Old lady turns her town in Czech Republic into a work of art

by KC Cordero
Jan 10, 2022
Anežka (Agnes) Kašpárková painting
Kahit nag-viral si Anežka (Agnes) Kašpárková noon dahil sa kanyang artworks sa mga bahay at kapilya, hindi umano mahalaga sa kanya ang pera, atensiyon at popularidad dahil gusto lang niyang lagyan ng konting dekorasyon ang mundo.

Na-inspire si Anežka (Agnes) Kašpárková ng Louka, Czech Republic sa mga kababaihan na pinipinturahan ng classical Morovian designs ang mga puting bahay sa kanilang lugar.

Dati siyang agricultural worker, at natuklasan niya ang kanyang passion sa pagpipinta nang mag-retire na siya sa trabaho.

Mahigit sixty years old na siya noon.

Anežka (Agnes) Kašpárková painting

Continue reading below ↓

Sa kabila ng kanyang edad, ipinagpatuloy niya ang tradisyon ng kanyang mga kababayan, at dinagdagan niya ang mga disenyo ng kanyang special touch.

Mula noon, nagmistulang isang napakalaking museum ang kanilang lungsod dahil sa kamangha-manghang blue motifs na idinidisenyo niya sa mga bahay.

Anežka (Agnes) Kašpárková painting

Kapag tagsibol (spring) at tag-araw sa kanilang bansa, makikita si Agnes na nagpipinta ng mga asul na bulaklak at dahon sa mga bahay at maging sa kanilang kapilya.

Continue reading below ↓

Anežka (Agnes) Kašpárková painting a wall

Bagaman at sa mga nakalipas na panahon ay naging popular siya at nag-viral dahil sa kanyang artworks, hindi umano siya naghahanap ng atensiyon o kasikatan.

Hindi rin mahalaga sa kanya ang pera dahil libre niyang ginagawa ang pagpipinta.

Mahal lang daw talaga niya ang kanyang ginagawa.

Sa panayam sa kanya ng website na Everything Czech noong March 16, 2017, sinabi ni Agnes na, “I am an artist. I just enjoy wall painting, and I try to help decorate the world a bit.”

Continue reading below ↓

Kitang-kita naman ang kanyang passion dahil sa masalimuot na pattern ng kanyang mga obra. Maoobserbahan din na masyadong precise ang kanyang brush strokes, kaya naman kamangha-mangha ang nagiging resulta.

Anežka (Agnes) Kašpárková's artwork

Gumagamit din siya ng mamahalin at de-kalidad na pintura na ayon kay Agnes ay siguradong magtatagal bago kumupas.

Tatlumpong taon ang ginugol ni Agnes para gawing tila isang malaking canvass ang kanilang lugar.

Continue reading below ↓

Pumanaw siya noong March 2018 sa edad na 91, at nag-iwan ng art legacy na hanggang ngayon ay kinamamanghaan ng buong mundo.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit nag-viral si Anežka (Agnes) Kašpárková noon dahil sa kanyang artworks sa mga bahay at kapilya, hindi umano mahalaga sa kanya ang pera, atensiyon at popularidad dahil gusto lang niyang lagyan ng konting dekorasyon ang mundo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results