Romulo Corpuz, 22, nanalo ng house and lot sa COVID-19 vaccine raffle ng Ilocos Sur

Jan 8, 2022
house and lot covid vaccine
Romulo Corpuz, a student in Ilocos Sur, wins house and lot in his hometown after getting COVID-19 vaccine. This is the local government unit's way of encouraging the residents to get vaccinated.
PHOTO/S: YouTube (GMA Regional TV)

Nabakunahan na kontra COVID-19, nagka-house and lot pa.

Napakasuwerte ni Romulo Corpuz, isang 22-anyos na estudyante sa Santa, Ilocos Sur.

Nagsisisigaw siya sa tuwa nang natanggap niya ang tawag habang nasa isang grocery store, at nalamang siya ang lucky raffle winner.

“Nagsigaw-sigaw po ako kasi blessing na iyon,” sabi ng binata sa GMA Regional TV Balitang Amianan, December 30, 2021.

“’Tapos tumawag yung security. ‘Tapos tinanong niya kung ano yung sinisigaw ko. ‘Tapos sinabi ko na nanalo ako ng house and lot.”

house and lot covid raffle

Continue reading below ↓

Emosyunal naman ang ina ni Romulo na si Mildred Corpuz.

Naiiyak na sabi ng ginang, “Blessing na blessing sa Christmas na ito, kasi yung anak ko nanalo sa house and lot.

“Ay, talagang excited na excited na…” sabi niya ukol sa napanalunan ng anak.

Kasalukuyang nakatira ang pamilya ni Romulo sa housing program ng kanilang LGU.

Ginawa ang raffle para hikayatin ang mga residente sa Santa, Ilocos Sur na magpabakuna.

Paliwanag ni Mayor Jesus Bueno Jr., “May namana kaming lupa dun sa site. Portion of that pinatayuan namin ng bahay.”

Ngayong Enero ay maililipat na sa pangalan ni Romulo ang kanyang raffle prize.

Sabi ng alkalde, “By January, yung deed of donation ay mapapasa-kanya na.”

Mensahe ng mayor kay Romulo, “Sana pag nakuha niya yun, mas lalo pa siyang sisipag na maging katulong sa isang barangay, lalo na sa youth sector.”

house and lot vaccine

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Romulo Corpuz, a student in Ilocos Sur, wins house and lot in his hometown after getting COVID-19 vaccine. This is the local government unit's way of encouraging the residents to get vaccinated.
PHOTO/S: YouTube (GMA Regional TV)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results