Afghan baby nawalay sa pamilya sa Kabul airport, natagpuan na!

by Bernie V. Franco
Jan 11, 2022
Sohail Ahmadi
Afghan grandfather Mohammed Qasem Rezawi gets his grandson Sohail Ahmadi from the taxi driver who took the baby from the chaos in an airport in Khabul last year. Thousands of Afghans rushed to the airport wanting to evacuate to the U.S. (Inset photo) Kids and babies were handed over to US soldiers over high fences to keep them from harm during the evacuation.
PHOTO/S: YouTube

Naibalik na sa kanyang mga kamag-anak ang isang sanggol na nawalay sa mga magulang matapos ang gulo sa capital city ng Afghanistan noong 2021.

Noong August 2021, dalawang buwan lamang noon ang sanggol na si Sohail Ahmadi nang mapahiwalay sa kanyang mga magulang.

Iniabot noon si Sohail ng kanyang mga magulang sa U.S. soldiers na nakabantay sa Kabul Airport.

Nagkagulo nang dumagsa ang libo-libong Afghans sa Kabul Airport sa pagnanais na mag-evacuate kasunod ng pagsakop ng Taliban forces.

Dahil dito, daan-daang Afghans ang iniabot ang mga bata sa U.S. soldiers palipat ng bakod ng Kabul airport para hindi maipit at masaktan.

Taliban forces

Continue reading below ↓

Pagkapasok sa airport, hahanapin ng Afghans ang kanilang mga iniabot na anak sa U.S. soldiers.

Subalit hindi natagpuan si Sohail ng kanyang amang si Mirza Ali Ahmadi, na security guard sa U.S. Embassy.

Walang nagawa si Mirza kundi iwan ang kanyang sanggol. Sakay ng eroplano kasama ang kanyang asawa, apat pang anak, at iba pang Afghans, lumipad sila sa Amerika.

sohail ahmadi

Continue reading below ↓

A U.S. soldier taking care of a baby amid the chaos that happened in Khabul airport in August 2021.

baby SOHAIL HAS BEEN FOUND

Noon lamang November 2021, isang Afghan taxi driver, si Hamid Safi, ang nagbigay-alam na siya ang nakatagpo kay Sohail at inalagaan ito.

Pahayag ni Hamid sa interview, “I entered the airport and saw a baby was lying down on the ground in a very bad condition.”

Ipinagtanong daw niya ang bata, pero hindi natagpuan ang mga magulang. Kaya inuwi niya ito sa kanyang pamilya at inalagaan.

Nang maipaalam ang kinaroroonan ng sanggol, ang kumilos ay ang lolo ng bata na si Mohammed Qasem Rezawi, dahil ang pamilya nga ng sanggol ay nasa U.S. na.

Pero inabot ng halos dalawang buwan bago ibinigay ng taxi driver ang sanggol sa kanyang lolo.

Ayon sa ulat ng Reuters, nagbigay ng kondisyon ng taxi driver na ma-evacuate din siya at ang kanyang pamilya sa Amerika.

Continue reading below ↓

Matapos ang pitong linggo negosasyon at pansamantalang pagka-detain sa taxi driver ng Taliban police, nagkaroon na ng areglo ang pamilya ng sanggol at taxi driver.

Naibalik ang sanggol na si Sohail sa kanyang lolo nito lamang Sabado, January 8, 2021.

Sabi ng lolong si Mohammed Qasem: “Today is a historical day for us, as I received my grandson in front of the media and the handover of this child has been managed.

“I’m so grateful to the media who helped us to reach and receive this child.”

Samantala, nagdiwang naman ang mga magulang ng sanggol nang magkaroon sila ng reunion online.

Ang inaasikaso nila ngayon ay kung paano madadala si Sohail sa U.S. para makapiling ang kanyang pamilya.

Nagsisilbi namang pag-asa sa maraming Afghan ang pagkakahanap kay Sohail.

TALIBAN’S TAKEOVER OF AFGHANISTAN

Samantala, noong nakaraang taon ay napasakamay ng Taliban forces ang Afghan government.

Ang Taliban ay militanteng grupo na namamahala sa Afghanistan noong ‘90s. Subalit napatalsik sila sa puwesto sa tulong ng U.S. forces noong 2001.

Continue reading below ↓

Pero hindi umalis ang Taliban at nagkaroon ng pakikipaglaban sa Afghan government sa loob ng dalawang dekada.

Kilala ang Taliban sa pamamalakad gamit ang "harsh implementation" ng Islamic laws.

Nagsisialisan ang mga Afghan sa takot na balikan ng Talibans ang mga nationals na nakipagtulungan sa U.S. government para patalsikin ang militanteng grupo noon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Afghan grandfather Mohammed Qasem Rezawi gets his grandson Sohail Ahmadi from the taxi driver who took the baby from the chaos in an airport in Khabul last year. Thousands of Afghans rushed to the airport wanting to evacuate to the U.S. (Inset photo) Kids and babies were handed over to US soldiers over high fences to keep them from harm during the evacuation.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results