Lumang bodega naging bonggang tiny house na may roofdeck

Valeo Tiny House before and after
Nakakuha ang mag-asawang Feliz and Jay Jay Lucas ng idea sa panonood ng Tiny House Nation sa Netflix kung paano gagawing functional tiny house ang kanilang lumang bodega.

May lumang bodega sa loob ng compound ng Balara Content Studio by Chestknots sa Quezon City.

Pag-aari ito ng mag-asawang Feliz at Jay Jay Lucas, at ginawa nilang tambakan ng AC unit condensers ng kanilang dating tenants.

Ayon kay Feliz, nanonood sila ng kanyang mister ng Tiny House Nation sa Netflix nang maalala nila ang lumang bodega.

Pagbabahagi niya sa panayam ng Real Living noong November 13, 2021, “We thought it would be a good space where we can hold our daughter’s second birthday.”

Nagkataon rin na noong panahong iyon, busy silang mag-asawa sa pagpapaayos ng Balara Content Studio.

Isa kasing professional photographer si Jay Jay.

“We worked with sketches made at the back of receipts, planned the electrical placements, and even the plumbing,” ani Feliz.

Kinonsulta nila ang kanilang foreman, at napagdesisyunan nilang gawing tiny house ang lumang bodega.

Ang floor area ng bodega ay 18 square meters.

VENUE FOR INTIMATE FAMILY GATHERINGS AND WEDDINGS

Hindi nagamit nina Feliz at Jay Jay ang espasyo para sa birthday ng kanilang anak dahil kinapos sila sa oras.

Continue reading below ↓

Pero mas nagkaroon sila ng time na mag-isip kung ano ang mga puwedeng idagdag at paano mas mapapaganda ang tiny house.

Tiniyak nila na mayroon itong working bathroom.

Nakita rin nila na puwedeng maging venue ito para sa intimate family gatherings and weddings.

“What started as a personal project, as with all our projects, has become a project for others,” kuwento pa ni Feliz.

Interiors of Valeo Tiny House

Continue reading below ↓

Open layout ang naging disenyo ng tiny house. Ang sleeping area ay malapit sa bintana.

Sina Feliz at Jay Jay rin ang personal na naghanap ng mga materials na gagamitin.

“For the door, we had an old sliding door and we just called a glass supplier to ask if we can use it. We only spent money for a new frame,” paliwanag ni Feliz.

Interiors of Valeo Tiny House

Continue reading below ↓

Sa kabilang dulo ng tiny house ang compact kitchen.

Gumamit din sila ng eco-friendly limewash paint para makadagdag sa character ng space.

Ani Feliz, “The most fulfilling part of this project was the fact that it didn’t have a theme. All items were thrifted but because we follow a color palette, it worked out pretty well.”

Bathroom of Valeo Tiny House

Continue reading below ↓

Pinakamahirap naman ani Feliz ang pag-aayos sa bathroom.

Halos apat na beses silang nagkabit at nagtanggal ng mga tiles para lang maayos ang mga tubo at linya ng tubig.

MUKHANG MALAKI KAHIT MALIIT

Isa sa main features ng tiny house ang roof deck nito.

Gumamit sila ng lumang metal bars sa pagbuo ng hagdanan paakyat at pababa.

Roof deck of Valeo Tiny House

Continue reading below ↓

“We strengthened the existing structure by placing posts and beams around the corners, foundation, and even above it,” kuwento pa ni Feliz.

Para naman magmukhang malaki ang tiny house, dinagdagan nila ang palitada sa labas nito.

Ang pinakakanto nito ay may damuhan at duyan.

Nagdesisyon rin silang lagyan ito ng platform para magmukhang nakaangat.

Sa ngayon, for rent para sa mga okasyon ang tiny house—na tinawag nina Feliz at Jay Jay na Valeo Tiny House.

Sa mga interesado, mag-message lang sa kanilang Instagram: Balara Content Studio on Instagram.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakakuha ang mag-asawang Feliz and Jay Jay Lucas ng idea sa panonood ng Tiny House Nation sa Netflix kung paano gagawing functional tiny house ang kanilang lumang bodega.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results