Watch Now

Last wish: Girlfriend wears wedding dress at her boyfriend’s wake

Feb 7, 2022
wedding last wish
Deeply in grief, bride-to-be Alma Santos fulfills her altar date with her boyfriend Francis Valenton at his wake.
PHOTO/S: Facebook (Paulan Valenton)

Tinupad ni Alma Santos ang huling kahilingin ng kanyang boyfriend na si Francis Valenton bago ito pumanaw.

Nagsuot ng wedding gown si Alma sa huling araw ng lamay ni Francis.

Hindi inaasahan ang pagkamatay ni Francis noong January 15, 2022, tatlong araw matapos nilang mag-usap ni Alma tungkol sa kanilang kasal.

Kaya si Alma, sa tulong ng ate ni Francis na si Paulan, tinupad ang last wish ng boyfriend.

Saad sa Facebook post ng ate ni Francis na si Paulan: “Ang dami mo pang plano Francis. Last December 25, nag-inquire ka pala ng prenup.

“3 days before you passed away, you started talking about marriage with Alma.”

weddling last wish

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Paulan, “Na-prepare ko na yung mga gagamitin niyo sana sa kasal pero bigla ka na lang nang-iwan.

"Sana'y kinilig ka at sana'y napasaya ka namin hanggang sa huling pagkakataon. I know you're up there watching over and protecting her.”

Hashtag pa niya: #OneLastWish #ThePerfectGoodbye

ALMA OPENS UP ABOUT THE WEDDING

Samantala, nagkuwento si Alma tungkol sa boyfriend sa 24 Oras, February 5, 2022.

Sabi ni Alma, “In-open niya yung about sa kasal na, ‘Baby,’ sabi niya, ‘…kung tayo man ang ikakasal, ang gusto ko lang simple. Kahit hindi bongga, basta masabi ko lang din na akin ka. ‘Tapos wala na akong ibang ipapalit sa iyo.‘”

Nakahanda na raw pala ang wedding gown ni Alma.

Sabi ng bride-to-be, “Yung ate niya, si Ate Paulan, parang tinatanong niya sa akin…

“Nabanggit niya kung gusto kong mag-dress. Yun yung dinig ko, not yung wedding dress pala.

“Naka-prepare na pala iyon. Parang hinintay na lang niya ang go-signal ni Francis siguro, na magpapakasal kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

wedding last wish

Alma kisses the portrait of her boyfriend on the last day of his wake.

Sabi ni Alma, magkasamang lungkot at saya ang naramdaman niya nang isuot ang wedding gown sa lamay ng boyfriend.

Bagamat kasi hindi na niya makikita si Francis, natupad naman niya ang last wish nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Alma, “Alam ko din naman na gina-guide mo pa din ako, kahit wala ka man physically.

“Pero sa puso’t isip ko, di ka pa rin mabura. Dito ka pa rin sa akin, yung mga memories na nabuo natin. Hindi yun mawawala.

“Sana okay ka na, masaya ka na diyan sa lugar na nasaan ka man.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Deeply in grief, bride-to-be Alma Santos fulfills her altar date with her boyfriend Francis Valenton at his wake.
PHOTO/S: Facebook (Paulan Valenton)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results