Meet Andy Ef, ang seafairy sa mundo ng mga marino

Andy Ef at work onboard a ship.
Dalawang level na lang at magiging kapitan na ng barko si Andrew Militante a.k.a. Andy Ef. Pinatunayan niyang kahit member siya ng LGBTQ+ ay kaya niyang mag-excel sa trabahong dominado ng mga macho.

Matapos ang kanyang mahaba at nakakapagod na shift sa trabaho, naglilibang naman si Andrew Militante, 32, sa Tiktok.

Hinuhubad niya ang kanyang uniporme bilang seaman, at nagsusuot ng fashionable clothes and make-up.

Isang proud gay si Andrew sa mundo ng mga marino.

Kilala siya ng kanyang mahigit 50 thousand followers sa TikTok bilang Andy Ef, isa sa sumisikat na "seafairies" sa nasabing platform.

Para kay Andy Ef at iba pang “baklang mandaragat" sa Tiktok, ang pagbibihis-babae ay hindi lang para maibsan ang kalungkutan dahil sa ilang buwang pananatili sa dagat, kundi para maipakita na hindi kailangang maging macho at maskulado para makapagtrabaho sa cargo ship.

Pagbabahagi ni Andy sa panayam ng reportr, "Sa barko kasi, you really need to find something that will divert your mind from the stress, homesickness, and the loneliness."

Nagiging masaya umano siya kapag nagbibihis-babae siya, “Kasi I am reminded na, 'Okay, this is me.'"

Diin pa ni Andy, "Kapag nagsusuot ako ng pambabae, dun ko napi-feel na bakla ako talaga. Na hindi ko siya kailangang kalimutan kahit nasa mundo ako ng mga lalaki."

Continue reading below ↓
@andy.ef Reply to @iampharsa2691 #seamantiktok #marino #fyp #seafairy #ofw ? Paper Birds (3 min) - Jordan Halpern Schwartz

BAKIT NAPUNTA SIYA SA MUNDO NG MARINO

Gaya ng pagsikat niya sa TikTok, natagalan rin si Andy bago niya naunawaan kung sino ba talaga siya.

Bilang bunsong anak ng mag-asawang magsasaka sa bayan ng Santa Fe, Leyte, hindi raw siya naaakit sa mga babae.

Ani Andy sa interview, "Siguro nakitaan ako ng father ko ng pagka-feminine.

"So when I was young, he said, hindi raw ako dapat maging bakla kasi bibitayin daw niya ako sa puno nang pabaligtad.

“Siguro sa takot ko, I was convincing myself, 'Okay, hindi dapat ako maging bakla.’"

Nang magkokolehiyo na siya, sinabi daw ng parents niya na gusto ng mga ito na maging seaman siya.

"Sabi nila, ito raw yung aralin ko because there’s a good future. But actually, behind it, iniisip nila magiging lalaki ako once I-mix nila ako sa mga lalaki.”

Pero ang inakala ng parents niya ay hindi nangyari noong nasa maritime school na si Andy.

Continue reading below ↓

“It went the opposite way kasi na-open talaga yung pagiging iba ko.

"Dun ko napansin talaga yung difference, and I was able to confirm na I was gay.

"Nahanap ko yung sarili ko."

At kahit nagustuhan at minahal ni Andy ang kanyang kurso, madalas daw niyang tinatanong ang sarili kung ang pagiging marino ay akma sa gaya niyang gay.

Isang instructor pa raw niya ang nagsabi sa kanyang walang barkong kukuha sa kanya dahil sa kanyang sexuality.

"I argued with him that day, and pinalabas niya ako sa classroom.

“I was really upset kasi nakipagtalo ako sa isang captain because I know I had to defend who I am.

"Hindi ko pinagsisihan yun kasi it’s my right to correct him."

Third year college na si Andy nang alukin siya ng scholarship ng Maersk, isa sa pinakamalaking shipping company sa mundo.

Na-hire rin siya ng Maersk. Thirteen years na siya sa kumpanya at isa nang second officer.

Continue reading below ↓

Siya ang in charge sa navigation ng barko, bukod sa pagiging medical officer and watchkeeper.

Dalawang level na lang at magiging kapitan na siya ng barko.

Masayang pagbabahagi ni Andy, "Looking back, I'm really proud of how far I've come. One of the biggest shipping companies in the world ended up hiring me.

“One of my senior officers told me this one time, 'You don’t really need to have muscles on board. You can be the brain of the ship."

ALSO READ:

Lockdown Anniversary: Why Tiktok Just Makes Sense for Gen Z

Meet Gab Campos and His 'Sampayan,' Who Found His Voice on TikTok

Father TikTok Makes Word of God Viral for Gen Z

BECOMING ANDY EF

Nagsimula si Andy sa Tiktok sa pamamagitan ng paggawa ng dance challenges and make-up transformations videos.

Aminado siyang gusto niyang sumikat, “but no one was watching."

Nagkaroon lang siya ng followers nang magsimula siyang sagutin ang mga tanong kung paano ang buhay ng isang baklang marino.

Continue reading below ↓

"Nagka-pawis-pawis ako, and then people just wanted to hear my voice pala. Ganun lang pala yun. I didn’t have to do anything but just talk."

Pinananatili naman niya ang kanyang content na entertaining and inspiring.

Noong una ay bina-block niya ang negative comments, pero may ilan na hinahayaan na lang din niya.

Sa kanyang most viewed video na may 1.3 million likes, sinagot niya ang isang user na nagsabing okey lang ma-harass ang mga tulad ni Andy na gay.

@andy.ef Reply to @yuri10_28 #seamantiktok #ofw #marino #seafairy #foryoupage ? original sound - Andy Ef ??????????????????

Paliwanag ni Andy, "Hindi ko napalampas kasi nangyari sa akin yun sa isang Arab country at hindi talaga okey. Nabastos talaga ako sa comment, so I told my story.

“Di kasi dapat nino-normalize yung mga ganung klase ng bagay kasi never naging okey 'yun, bakla man o hindi."

Sa kanilang trabaho bilang mga marino na miyembro ng LGBT+, nakararating sila sa mga bansa na pinagtataasan pa rin ng kilay ang kanilang sexuality, at itinuturing na ang pagiging bakla ay illegal.

Continue reading below ↓

Kaya ayon kay Andy, "Kapag nagdyo-join ako sa barko, I usually tell the captain, 'Captain, I’m gay. Do you have any problem with that? If you have any problem, then I’m going home.’

“Ang mga kapitan naman, they would say they don’t have any problem as long as it doesn’t get in the way of work.”

Aminado si Andy na lagi siyang may pressure na ipakita na mahusay siya sa kanyang trabaho sa lahat ng oras kumpara sa mga kapwa niya marino.

“I make sure na okay performance ko kasi kapag okey, walang masasabi sa iyo.

"Wala ka namang ibang magagawa dito sa barko kundi magkatotoo ka na lang talaga. Yung goal ko naman ever since, maging maganda buhay ko at ng pamilya ko.”

Sinabi rin niyang hindi lahat na kasamahan niya sa barko ay maayos ang turing sa mga gaya niya.

“Pero that's when you really have to be yourself and fight back."

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang level na lang at magiging kapitan na ng barko si Andrew Militante a.k.a. Andy Ef. Pinatunayan niyang kahit member siya ng LGBTQ+ ay kaya niyang mag-excel sa trabahong dominado ng mga macho.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results