Chicharon bulaklak bouquet, patok sa mga “marurupork”

by KC Cordero
Feb 14, 2022
The chicharon bulaklak bouquet
Natakam at pinagkatuwaan ng netizens ang putok-batok na bouquet dahil sa halip na flowers ang laman ng wrapper, katakam-takam na chicharon bulaklak.

Putok-batok ang kakaibang bouquet na offer ng PorkMaru Crispy Pata ngayong buwan ng pag-ibig.

Sa halip kasing tunay na flowers, chicharon bulaklak ang nasa bouquet wrapper.

May kasama ring ilang piraso ng vegetable leaves at sili.

The chicharon bulaklak bouquet

Ayon sa post ng PorkMaru Crispy Pata Facebook Page noong February 6, 2022, inu-offer nila ang chicharon bulaklak bouquet para sa mga “marurupork.”

Continue reading below ↓

Gusto rin nilang mag-level up ang sinumang magreregalo nito sa nililiyag, at mag-indulge sa kakaibang experience sa Valentine’s Day.

Patok naman at kinatuwaan ng netizens ang nasabing chicharon bulaklak bouquet.

Netizens comments on chicharon bulaklak bouquet

Netizens comments on chicharon bulaklak bouquet
Netizens comments on chicharon bulaklak bouquet
Kanya-kanya silang mention sa kanilang special someone para ma-notice ang katakam-takam na bouquet.

Continue reading below ↓

Limitado lang ang PorkMaru bouquet hanggang ngayong Valentine’s Day.

Kumbaga ay parang cheat day lang dahil “marupork” man tayong lahat sa chicharon bulaklak, kapag masyadong madalas ang indulge ay hindi rin healthy para sa ating mga heart.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natakam at pinagkatuwaan ng netizens ang putok-batok na bouquet dahil sa halip na flowers ang laman ng wrapper, katakam-takam na chicharon bulaklak.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results