Minarkahan mo rin ba ang February 22, 2022?
Naging topic of discussion ang petsang ito—2.22.22—dahil isa itong palindrome o pareho ang kalalabasan kahit na pagbaligtarin.
Sinasabing ang ultimate palindrome ay nangyari ng 2:22 a.m. o p.m., o kaya ay sa 22:22 naman sa military time.
Tumapat pa sa Tuesday ang petsa, kaya tinawag itong “Twosday.”
Kung may kasamang suwerte ang petsang ito, mukhang sinalo ito lahat ng isang baby girl sa North Carolina, sa Amerika.
Meet Baby Judah Grace Spear, na ipinanganak ng February 22, 2022 (2/22/22) ng 2:22 ng madaling araw.
Heto pa: si Baby Judah Grace ay nai-deliver sa delivery room 2 ng Alamance Regional Medical Center, North Carolina.
Pero bukod sa petsa, may iba pang dahilan kung bakit espesyal ang pagkakasilang ng sanggol.
Noong 2014, sinabihan na ang kanyang mga magulang na posibleng hindi sila magkaanak dahil na-diagnose na may cancer ang babae.
First-time parents Hank and Aberli Spear holding Baby Judah Grace Spear.
“Very excited, nervous… but mostly exhausted,” sabi ng inang si Aberli Spears, habang karga ang kanyang baby at katabi ang asawang si Hank Spears.
Twenty-six hours nag-labor si Aberli.
Bakas ang galak sa boses ni Aberli nang ma-interview ng WFMY News 2 program ng WFMY-TV, na CBS-affiliated TV station sa Greensboro, North Carolina.
Nangyari ang interview kay Aberlie ilang oras matapos niyang manganak noong "Twosday."
Nagbunyi ang buong medical team nang lumabas ang sanggol ng February 22, 2022 at 2:22 a.m.
Pagbabalik-tanaw ni Aberli noong nagli-labor siya, “Everyone… I heard all the nurses screaming in excitement.
“And I was like, ‘Wha… what has happened?’
“And I looked at him [Hank] and I was like, ‘What time was she born?’ And he was like, ‘2:22,’ and I was like, ‘Oh, okay.’”
The medical team at Alamance Regional Medical Center in North Carolina that helped deliver Baby Judah Grace on 2.22.22
Sa puntong iyon, naging emosyonal si Aberli.
Ibinunyag niyang na-detect na may cancer siya at sinabihang baka hindi na magkakaanak.
Naiiyak na kuwento ni Aberlie, “The name means praise, Judah… that’s why we picked that name because I was diagnosed with Hodgkin’s lymphoma back in 2014.
"And we were told that we’re probably could not have kids.”
Ang Hodgkin’s lymphoma—dating kilalang Hodgkin’s disease—ay cancer sa lymphatic system.
Na-diagnose na may sakit ni Aberli tatlong buwan matapos nilang magkakilala ni Hank.
Nang mag-usap sila noon, sinabi ni Hank na tanggap niya kung hindi man sila biyayaan ng anak.
Pero sa interview, umamin si Hank: “Eventually, every man says they don’t want kids, but they do. They do.”
Ang sanggol ay ipinanganak na may timbang na 7 pounds and 10 ounces (yes, wala nang 2).
Kaya naman ang birthday ni Baby Judah Grace na 2.22.22 ay nagsisilbing reminder sa mag-asawang Spears na huwag na huwag mawawalan ng pag-asa.
Sabi ng emosyonal na si Aberli, “In God’s perfect timing. He never makes mistakes.”
Tinapos ng news anchor ang report sa pagsasabing si Aberli ay cancer-free na.