Crime suspect noon, isa nang pulis Maynila ngayon: “Bumangon ako sa pagkakadapa ko.”

Apr 7, 2022
Franz Angelo Dizon
Noong 2018, kinasuhan at nakulong si Franz Angelo Dizon dahil sa isang krimen. Pero dahil sa kawalan ng ebidensiya, naabsuwelto siya. Nagsikap si Franz na mabawi ang kanyang reputasyon at pumasok siya bilang isang pulis.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

Inakusahan noon si Franz Angelo Dizon, 28, sa isang krimen at na-detain sa kulungan.

Bagamat naabsuwelto, nahusgahan na siya ng ibang tao bilang isang “kriminal.”

Pero hindi nagpatalo si Franz, at nagdesisyon siyang maging pulis.

Siya ngayon ay si Patrolman Franz Angelo Dizon ng Philippine National Police-Manila Police District (PNP-MPD).

Ang nangyari kay Franz ay ibinabahagi niya sa social media para magsilbing kuwento ng pag-asa.

Taong 2018, isa si Franz sa limang lalaking naging suspek sa diumano’y panggagahasa at pangmomolestiya sa dalawang minors sa Sampaloc, Maynila.

Noong May 31, 2018, nakipag-inuman si Franz at mga kaibigan kasama ang dalawang menor de edad.

Naharap sila sa mga kasong rape at acts of lasciviousness.

franz angelo dizon

Taong 2018 nang mapabalita ang pagkakasangkot ni Franz Angelo Dizon sa isang krimen.

“Actually, wala naman akong pagsisisi kasi di ko naman siya ginawa,” pagbabahagi ni Franz sa GMA Public Affairs program na Dapat Alam Mo! noong April 5, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero parang gumuho raw ang mundo ni Franz.

“Napagbintangan lang ako, pero nung mga panahong iyon ang naisip ko talaga, ‘Wala na. Katapusan na ng lahat.’”

Hindi raw naging madali ang buhay niya sa piitan.

“Sobrang hirap, sobrang crowded. Matutulog kayo nang dikit-dikit, as in skin to skin kayo.

“Yung iba, natutulog nang nakatayo.”

Napalaya siya pagkalipas ng isang buwan dahil walang nakuhang matibay na ebidensiya sa ibinibintang sa kanya.

Pero hindi roon nagtapos ang kalbaryo ni Franz. Parang nanatili siyang bilanggo dahil sa panghuhusga sa kanyang pagkatao.

Nakaapekto ito nang malaki sa kanya.

“Bumaba yung kumpiyansa ko sa sarili ko. Lumiit yung tingin ko sa sarili ko.

“Parang di makalabas, di makatingin sa mga tao. Parang nahihiya ako.”

KUWENTO NG PAGBANGON

Pinulot ni Franz ang sarili mula sa pagkakasadlak.

“Dala-dala iyon sa isip ko, sa puso ko na kailangan kong gawin ito. Kailangan kong ibawi ang sarili ko.”

Nag-apply siya sa pagkapulis, at natanggap siya mula sa libu-libong aplikante.

Noong 2019, o makalipas ang isang taong training, naging isang ganap na siyang pulis.

Pakiramdam niya ay nakabawi na niya ang kanyang sarili.

“Naging proud na rin ako sa sarili. Proud ako sa nangyari sa akin.

"Ito ako ngayon, nagsisilbi ako sa bayan, despite the fact na may nangyari sa past ko na di maganda.

“Bumangon ako sa pagkakadapa ko,” ani Franz.

franz angelo dizon

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong 2019, ganap nang naging pulis si Franz. Siya ngayon ay bahagi ng Manila Police District.

Pero sadyang may mga taong pilit na inuungkat ang kanyang nakaraan.

“Inisip nila, ‘Di ba pag kriminal, di puwedeng mag-apply sa PNP kasi may krimen?’

“Hindi. Kasi di naman ako convicted,” paglilinaw ni Franz.

Sa kanyang Facebook post noong April 5, 2022, kung saan naghihikayat si Franz ng mga aplikante sa PNP, may mga reminder siya.

May pahaging siya sa mga taong patuloy siyang ibinababa dahil sa kanyang nakalipas.

Aniya sa mga aplikante (published as is), “Ang unang unang alisin po natin sa katawan ay ang pagiging HARD LOSER. Maging masaya po tayo sa mga nararating ng kapwa natin.

“Kung nagtataka po kayo paano ako nakapasok sa kabila ng ako’y nakasuhan MALINIS PO ANG RECORD KO SA LAHAT NG AHENSYA NG GOBYERNO gaya ng PNP/NBI CLEARANCE, MTC CLEARANCE, RTC CLEARANCE."

Iginiit din niya na dumaan siya sa tamang proseso, gaya ng ibang aplikante, nang mag-apply siya sa PNP.

Sabi pa niya, “Bago po ako makapag apply ng tuluyan ay nagkaroon pa po ng QUALIFYING EXAM sa NCRPO dahil napakadami ng nagnais makapasok 5000+ at ang QUOTA AY 300 lamang.

“Alam po ng mga taong nakapaligid sakin at mga taong nabigyan ko ng tulong kung anong klaseng tao po ako at hindi na para ipagtanggol ko sarili ko.”

HELPING HIS KAKOSA

Bukod sa naiahon niya ang kanyang sarili, natutulungan din ni Franz ang ibang nakasama niya sa kulungan.

Ang mga tauhan ni Franz sa itinayong sizzling resto ay mga nakasama niya noon sa kulungan na nakalaya na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Franz, “Yung opportunities sa kanila parang sobrang limited.

“So, naisip ko, nakita ko sila, ‘Gusto niyo bang magtrabaho?’ Nakita ko rin sa kanila gusto nilang magbagong-buhay, e.”

Mensahe naman ni Franz sa mga may pinagdadaanan, huwag na huwag mawawalan ng pag-asa.

Wala raw hamon na ibinibigay ang Diyos na hindi kakayanin.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong 2018, kinasuhan at nakulong si Franz Angelo Dizon dahil sa isang krimen. Pero dahil sa kawalan ng ebidensiya, naabsuwelto siya. Nagsikap si Franz na mabawi ang kanyang reputasyon at pumasok siya bilang isang pulis.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results