Watch Now

Dog comforts Kylie Padilla following her anxiety attack; netizens share pet therapy testimonies

by Bernie V. Franco
Apr 8, 2022
Kylie Padilla
Kylie Padilla finds comfort in the paws of a dog following an anxiety attack: “Little Nami came up to me and gave me a cuddle, I think naramdaman nya di ako ok." Right photo shows the actress lying down on the floor with Nami the dog.
PHOTO/S: @kylienicolepadilla on Instagram

Pinatotohanan ni Kylie Padilla, 29, na totoo ang canine therapy.

Ito ay matapos i-comfort ng isang aso ang Kapuso actress nang makaramdam ng panic disorder.

Kamakailan, ibinahagi ni Kylie kung paano ito nangyari habang nagti-taping ng kanyang upcoming Kapuso teleseryeng Bolera.

Tila naramdaman ng asong si Nami ang kanyang pinagdarananan at nilambing siya ng aso.

Hindi tinukoy ni Kylie kung ang aso ay alaga niya. Pero inilahad niya na ang ginawa ng asong ito ay nakatulong para gumaan ang kanyang pakiramdam.

Ipinost ni Kylie ang larawan niyang nakahiga sa sahig katabi ang asong si Nami.

Ayon sa kanyang caption, “I had another anxiety attack on set the other day, so grateful that everyone on set takes good care of me. Thank you guys. You know who you are.

“Little Nami came up to me and gave me a cuddle, I think naramdaman nya di ako ok.

“We cuddled for a bit. Humiga na ako sa tabi nya. I needed this moment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“In love na talaga sa aso na to.

“Canine therapy is real.”

Pagdating sa medical field, ginagamit ang pet therapy para tulungan ang mga pasyente na bumuti ang pakiramdam at kalagayan.

Mabisa raw ito sa mga pasyente na kailangang maka-recover o maka-cope sa health problems, gaya ng "heart disease, cancer and mental health disorders,” ayon sa Mayoclinic.com.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS ATTEST TO EFFECTIVENESS OF ANIMAL THERAPY

Kasunod ng post na ito ni Kylie, may mga netizens na nagbahagi ng kanilang karanasan sa pet therapy.

Isang female netizen na nag-share na nakabangon siya sa pinagdadaanan dahil sa tulong ng kanyang alaga.

“I was on the verge of losing myself, crying, my Biscuit came to me and put her head on mine as if she’s absorbing what I feel.”

Kasunod daw nito, pumunta ang alaga nito sa kanyang kandungan at tila naglaho ang kanyang dinaramdam.

kylie padilla

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsang-ayon ng isang netizen, “dog love is pure love unconditional.”

canine therapy

Mungkahi ng isa pang netizen na mag-alaga si Kylie ng Golden Retriever dahil “they are the best therapy dogs.”

Dagdag pa nito, “I have three now and I couldn’t ask for a better companion.”

canine therapy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May dalawang netizens na cat lovers ang naghayag din kung paano sila tinutulungan ng kanilang mga alaga.

Sabi ng isa, sang-ayon siya kay Kylie dahil iyon daw ang ginagawa ng alaga niyang pusa, na humihiga sa tabl niya kapag nakakaranas siya ng anxiety attacks.

“They are like human[s] too," aniya.

canine therapy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

pet therapy

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla finds comfort in the paws of a dog following an anxiety attack: “Little Nami came up to me and gave me a cuddle, I think naramdaman nya di ako ok." Right photo shows the actress lying down on the floor with Nami the dog.
PHOTO/S: @kylienicolepadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results