Watch Now

Magpapari at magmamadre, nagpakasal: “Madalas kaming sabihang Salot.”

by Bernie V. Franco
Apr 18, 2022
Ria escullar
Magpapari dapat si Ferdinand Escullar at magmamadre naman dapat si Ria Roquiño. Pero iba ang plano sa kanila ng kapalaran.
PHOTO/S: Facebook (Ria Escullar)

“Ang pag-ibig pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”

Ganito ang naging love story ng mag-asawang sina Ferdinand “Ferd” Escullar at Maria Isabel “Ria” Roquiño-Escullar.

Dapat ay magpapari si Ferd at magmamadre sana si Ria.

Pero iba ang itinadhana sa kanila ng kapalaran. Nabuo ang pag-iibigan nila at nauwi sa altar.

Pero bago ito, katakut-takot na hamon ang sumubok sa kanilang relasyon.

May tumawag sa kanilang salot, may pumutok na bulkan, nagkapandemya.

Pero hindi napigilan ng mga ito ang kanilang pag-iisang dibdib para magsama bilang husband and wife.

Ikinasal sina Ferd at Ria noong April 2021.

Sa kanyang TikTok account, ibinahagi ni Ria noong March 2022 ang buod ng kanilang love story.

Panimula niya, “Pareho kaming nagmula sa religious vocation kaya naman hindi naging madali sa aming dalawa ang magkaroon ng relasyon.

“Napakadaming panghuhusga mula sa ibang tao ang naranasan namin.

"Madalas kaming sabihang Salot at Hindi magandang halimbawa sa iba dahil tila kami raw ay parehong tumalikod sa Diyos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang seminary ni Ferd na Rogationists of the Heart of Jesus (RCJ) at kumbento ni Ria na Franciscan Sisters of the Immaculate (FSI) ay sumuporta sa kanilang pag-iibigan.

Ani Ria, “Malaki ang pasasalamat namin sa aming mga Pari (RCJ) at Madre (FSI) na nagpatibay ng loob namin at sinuportahan kami sa aming napiling bokasyon.

“Makalipas ang ilang taon, natanggap na namin ang kanilang basbas at kami ay nagplanong magpakasal.”

Inilista ni Ria ang mga sinuong nilang balakid bago maikasal: “Taal volcano, pandemic, during prenup mom rushed to hospital, 200pax down to 70 pax.”

pari madre

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ferd noong naglilingkod pa siya sa simbahan at si Ria na pumasok sa kumbento noong teenager lamang.

AGAINST THE ODDS

Naitampok ang kuwento nina Ferd at Ria sa Dapat Alam Mo! ng GMA News and Public Affairs noong April 12, 2022.

Labing-isang taon namalagi sa seminaryo si Ferd, na nagkaroon noon ng experience para piliing magpari.

Kuwento niya, nakasakay raw sila noon ng kaniyang ina sa bus nang nawalan ito ng preno.

“That was the time na sabi ko, ‘Lord, once na makaligtas kami dito, lahat ng pasahero, including my mom, ay susunod ako sa yapak Mo at magpapari.”

Nakaligtas sina Ferd.

ferd escullar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ria naman daw, kinse anyos pa lang noon ay nakaramdam na tila naliligaw siya ng landas.

Lenten season daw noon nang makita niya ang mga madre at naramdaman niya na gusto rin niyang pumasok sa kumbento.

Ani Ria, “Yun yung first time naka-feel ako na parang gusto kong mag-try at maka-enter doon.”

Pero makalipas ang tatlong taon, lumabas siya sa kumbento.

ria escullar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-stress at nagkasakit daw kasi ang ama ni Ria.

“Nalulungkot siya dahil nga bunso po [ako]. Iba yung pakiramdam niya pag wala ako sa piling niya.

“So, nag-request siya na mag-aral muna ako outside.”

Nag-aral si Ria sa kolehiyo at after two years, napag-discern daw niya na hindi para sa kanya ang pagmamadre.

Unang nag-krus ang landas nina Ferd at Ria sa simbahan.

Bininyagan noon ang pamangkin ni Ria, habang si Ferd ay ang nagse-serve sa pari.

Nasundan ang kanilang pagkikita sa isang youth formation, kung saan naka-assign si Ferd.

Lahad niya, “Eventually, noong pa-expire na yung vow ko, yun yung time na nagsimula na rin yung relationsip namin."

Taong 2016, umalis sa pagseseminaryo si Ferd at umuwi sa kanyang pamilya sa Sorsogon.

“During those time medyo nalulungkot na ako kasi yung time na iyon hindi na kami masyado nakakauwi sa family namin,” ani Ferd.

Minsan ay nakita niya ang kanyang high-school classmate na ikinasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May naramdaman si Ferd: “Parang sabi ko may something. Parang doon na rin nagsimula, napagdesisyunan ko na gusto ko na ring magkaroon ng sariling pamilya.”

Aminado si Ria na mixed emotions ang naramdaman niya sa desisyon ni Ferd na ligawan siya.

“Sobrang nagulat po. At the same time medyo natakot din talaga, siyempre.

“Kasi nandoon na po siya, e. Along the way na, malapit na [maging pari], 'tapos nanligaw siya bigla.”

Marami ang tumutol sa relasyon nila, maging ang mga magulang ni Ria.

Isang linggo raw siyang hindi kinibo ng kanyang ina at ipinaramdam na mali ang pakikipagrelasyon ni Ria sa isang magpapari.

Ani Ferd, “Eventually, pinatunayan namin sa kanila na talagang nagmamahalan kami.”

Kalaunan nakuha nila ang basbas ng kanilang mga magulang.

Pero hindi pa rito tumigil ang mga hamon.

Naantala nang ilang ulit ang kanilang pagpapakasal dahil inatake sa puso ang ina ni Ria at kailangan maalagaan.

Nag-alburoto rin ang Taal volcano noong January 2020, na sinundan ng lockdown dahil sa pandemic noong March 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na-move yung wedding namin ng 2021. Nag-schedule kami ulit, that was March 2021,” ani Ria.

“Pero nung time na iyon, nagulat kami kasi two days na lang, bigla na namang nag-ECQ.”

Pero hindi napanghinaan ng loob si Ferd kahit na naantala ang kanilang pagpapakasal.

Sabi niya, “Pero sabi ko I’m always positive sa sarili ko na ito lang ang mga unang pagsubok na hinaharap namin bilang mag-asawa at kakayanin namin ito.”

At noong ngang April 2021 ay nagpakasal na sina Ferd at Ria.

Ria escullar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magpapari dapat si Ferdinand Escullar at magmamadre naman dapat si Ria Roquiño. Pero iba ang plano sa kanila ng kapalaran.
PHOTO/S: Facebook (Ria Escullar)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results