Watch Now

Bride in Cebu wears wedding dress her mom wore 40 years ago

by Bernie V. Franco
Apr 22, 2022
wedding gown 40 years
Loufel Pasaol-Sicat (left photo, colored) wearing the altered wedding gown her mom Marylou Pasaol (left, b/w) wore 40 years ago. (Right photo, top) Loufel got married to Joseph Sicat on April 11, 2022. (Right photo, bottom) Loufel's parents, Felizardo and Marylou Pasaol, getting married in 1982.
PHOTO/S: Facebook (ClickedwithLove Studios)

Malaki ang sentimental value ng napiling "something old" ni Ma. Loufel Pasaol para sa kanyang kasal.

Ang isinuot kasi ni Loufel ay ang traje de boda na isinuot ng kanyang inang si Marylou, apat na dekada na ang nakalilipas.

Ikinasal si Loufel, isang 30-year-old cabin crew member ng Qatar Airways, kay Joseph Andro L. Sicat, isang 29-year-old professional photographer, sa Cebu noong April 11, 2022.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via email, ikinuwento ni Joseph kung bakit naisipan ng kanyang misis na isuot ang "heirloom gown" ng kanyang ina.

“Mainly to honor her deceased father and make him still be a part of her special day,” ani Joseph sa PEP.ph.

“As a Papa's girl, it has always been Loufel's dream to have her father walk her down the aisle and be handed over to her husband.”

Pero sa kasamaang palad, pumanaw ang ama ni Loufel na si Felizardo noong 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa tribute sa ama, isinuot ni Loufel ang gown bilang pasasalamat sa ina sa lahat ng mga sakripisyo nito kay Loufel at isa pang kapatid.

wedding gown 40 years

1982 x 2022. Noong 1982, ikinasal ang mga magulang ni Loufel na sina Felizardo at Marylou Pasaol. After 40 years, ikinasal si Loufel sa long-time boyfriend na si Joseph Sicat. Isinuot ni Loufel ang wedding gown ng ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginawa raw ang wedding gown ng kaibigan ni Marylou na si Myrisia Roble noong 1982.

Para bumagay ang gown kay Loufel, may kaunting alterations lang na ginawa ang Cebuano designer na si Lemuel Rosos.

wedding gown 40 years

(Left photo) Si Marylou Pasaol na nagpagawa ng gown sa kaibigang si Myrisia Roble noong 1982. (Right photo) Ngayong 2022, si Loufel suot ang gown ng inang si Marylou na ipapa-alter sa Cebuano designer na si Lemuel Rosos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE 40-YEAR-OLD WEDDING GOWN

Sa Facebook page ng photography business ni Joseph na ClickedwithLove Studios, inilahad ang makulay na kuwento ng puting wedding gown ng ina ni Loufel.

Bata pa lang daw si Loufel ay madalas niyang paglaruan at isuot ang damit pangkasal ng kanyang ina.

Gandang-ganda raw si Loufel sa damit ng kanyang ina kaya isinusuot niya ito at nagpapanggap na isang white lady.

Madalas daw siyang pagalitan ng kanyang ina noon.

“Her mother would tell Loufel that for her, the wedding dress is sacred, it is the most important piece of clothing she has ever own and worn,” saad sa Facebook post (published as is).

Kaya sinabihan ang batang Loufel ng kanyang ina na dapat ingatan ang damit. Hindi naman masyadong maunawaan ito noon ni Loufel dahil sa kanyang murang edad.

Sa pagtanda ni Loufel, inasam niyang maihatid ng kanyang ama sa araw ng kanyang kasal. Pero hindi natupad ang pangarap niyang ito nang pumanaw ang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya sa kasal nila ni Joseph, na 12 years niyang karelasyon, nakaisip ng paraan si Loufel.

“Loufel thought of this special way to honor and to still make her beloved father be a part of the most important day of her life, and that is to wear her mom’s exact wedding dress when she married him."

Naging emosyonal si Nanay Marylou nang makita ang kanyang anak na suot ang wedding dress na kanyang isinuot apat na dekada na ang nakalilipas.

wedding gown 40 years old

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Loufel Pasaol-Sicat, suot ang 40-year-old wedding dress ng ina. Ikinasal si Loufel kay Joseph Sicat noon lamang April 11, 2022.

wedding gown 40 years old

Suot ni Loufel Pasaol-Sicat ang wedding gown ng inang si Marylou na isinuot naman ang gown noong 1982 (insert).

Kaya naman ang traje de bodang pinaglalaruan noon ni Loufel ang naging pinakamahalagang damit na kanyang isinuot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hangad din ni Loufel na maipasuot ang wedding gown na ito sa henerasyong susunod sa kanya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loufel Pasaol-Sicat (left photo, colored) wearing the altered wedding gown her mom Marylou Pasaol (left, b/w) wore 40 years ago. (Right photo, top) Loufel got married to Joseph Sicat on April 11, 2022. (Right photo, bottom) Loufel's parents, Felizardo and Marylou Pasaol, getting married in 1982.
PHOTO/S: Facebook (ClickedwithLove Studios)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results