Watch Now

Isa sa “rarest deer species on Earth” namataan sa isang nature reserve sa Panay island

by KC Cordero
Apr 25, 2022
The spotted Visayan spotted deer
Highly endangered at nasa kritikal na bilang na ang populasyon ng Visayan spotted deer—ang itinuturing na “rarest mammals in the world” at “rarest deer species on Earth” na sa Pilipinas lang matatagpuan.

Isang Visayan spotted deer ang nakunan ng larawan ng Inverts PH noong April 18, 2022.

Kilala rin sa tawag na Philippine spotted deer at Prince Alfred's deer, ito ay may scientific name na Rusa alfredi.

The spotted Visayan spotted deer

Itinuturing ito ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) na highly endangered at nasa kritikal na bilang ang populasyon dahil sa patuloy na pagkakalbo ng kagubatan at pangangaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa rin ito sa “rarest mammals in the world” at “rarest deer species on Earth.”.

Restricted na ang Visayan spotted deer sa five percent ng kanyang original range o puwedeng panginainan.

Tinatayang wala pang 100 Visayan spotted deer ang nasa Visayan island of Panay.

Ayon sa IUCN, sa nasabing lugar na lang nabubuhay sa wild ang Visayan spotted deer.

Hindi idinetalye ng Inverts PH, isang YouTube channel na nagpi-feature ng "underrated amazing species," ang eksaktong lugar kung saan namataan ang Visayan spotted deer, at sinabi lang na sa isang nature reserve na nangangalaga sa conservation nito at ng iba pang endangered local species.

Isinalarawan din nito ang nakitang usa na “truly majestic.”

The spotted Visayan spotted deer has a companion

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa namang eagle-eyed netizen ang nakapansin sa larawan na hindi nag-iisa ang namataang Visayan spotted deer at may kasama pa ito. Nahagip pa sa frame ang hulihang paa ng isang usa habang tumatawid sa kalsada.

Sa post naman ng DENR Western Visayas noong March 18, sinabi nito na kahit maliit at maiikli ang mga paa ng Visayan spotted deer ay ito ang pinakamalaki sa species ng usa na endemic o matatagpuan lang sa Visayas.

The Visayan spotted deer description

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang adult nito ay may haba na 125-130 cm mula sa ulo nito hanggang sa pina-base ng buntot. May taas naman ito na 70-80 cm, at tumitimbang ng 25-80 kilos.

Madaling makilala ang Visayan spotted deer kumpara sa ibang species ng usa sa Pilipinas dahil sa kanilang distinctive "A" patterns of beige spots.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may nakitang Visayan spotted deer sa wild.

The Visayan spotted deer caught on video

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong July 1, 2018 ay nai-post ng Facebook page na DUMAGUETENOS ang video ng isang Visayan spotted deer na curious na sumisilip sa isang bahay sa Hinoba-an, Negros Occidental.

Bawal ang mangaso ng Visayan spotted deer dahil kabilang ito sa mga protektado sa ilalim ng Republic Act No. 9147, o “an act providing for the conservation and protection of wildlife resources and their habitats, appropriating funds therefor and for other purposes,” na nagkabisa noong July 30, 2001.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Highly endangered at nasa kritikal na bilang na ang populasyon ng Visayan spotted deer—ang itinuturing na “rarest mammals in the world” at “rarest deer species on Earth” na sa Pilipinas lang matatagpuan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results