Watch Now

Bakit dinadayo ang 73-year-old Titing's Café sa San Carlos City, Negros Occidental?

by KC Cordero
Apr 27, 2022
Traditional way of preparing Titing’s Café
Paboritong tambayan ng mga coffee lovers, tourists, at vloggers ang Titing's Café sa San Carlos, Negros Occidental. Isang cultural icon, ito ang longest operating coffee shop, at kilala ito dahil sa tradisyunal na paraan ng paghahanda ng kape.

Maraming coffee shops sa San Carlos, Negros Occidental, pero ang Titing's Café ang pinakamatagal na ang operasyon.

Ang Titing's Café ay itinuturing na isang cultural icon ng mga taga-San Carlos.

Paborito itong puntahan ng turista, vloggers, at coffee enthusiasts.

Hindi umano kumpleto ang pagbisita sa San Carlos kung hindi nakapagkape sa Titing's Café.

Undated photo of Cristito

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinayo ito ni Cristito "Titing" Pasinabo Sr. noong 1949.

Noong teenager si Titing ay nagtrabaho siya bilang dishwasher sa isang coffee shop sa lumang palengke ng San Carlos. Pagmamay-ari ito ng isa niyang tiyahin.

Doon niya nakuha ang ideya na magkaroon ng sariling coffee shop.

Ayon sa Facebook post ng Turismo San Carlos noong April 23, 2022, bago sumakabilang buhay si Titing ay ipinasa nito sa pamilya ang sikreto nito sa paggawa ng kape.

Traditional way of preparing Titing’s Café

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Efril Pasinabo sa post ng Turismo San Carlos, "The technique that my grandfather passed on to us made our coffee more distinct and one of the best.”

Ang kapeng ginagamit sa Titing’s Kape ay Kanlaon coffee, isang robusta variety mula sa iba’t ibang lugar sa Negros gaya ng Brgy. Quezon (San Carlos City), Canlaon City, at Dumaguete City.

Para magkaroon ng distinct taste ang inihahandang signature coffee ng Titing’s, niro-roast at ginigiling ang mga butil ng kape sa tradisyunal na paraan.

Traditional way of preparing Titing’s Café

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sikreto naman ang paraan kung paano ito pinakukulo at kung ano ang mga sangkap.

Unang itinayo ang Titing's Cafe sa loob ng lumang palengke ng San Carlos.

One of Titing’s Café's old location

Nakailang lipat ito ng puwesto mas lumaki ang space para sa dumaraming customers.

Noong 2002, lumipat ito sa kasalukuyang lokasyon sa Laguda Building kung saan kaya na nitong pagsilbihan ang maraming parokyano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

One of Titing’s Café's signature coffee

Kabilang sa bestsellers ng Titing's Cafe ang mainit na “Ti-awti” (local version ng latte), pure black coffee at tsokwate, na isini-serve kasama ang mga local kakanin.

Ayon sa isang empleyada na si Manang Lilia Dual na mula pa noong 1950's ay serbidora na sa Titing's Cafe, nakita niya kung paano dumami ang mga customer ng coffee shop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lagi rin aniyang masaya at puno ng kuwentuhan ang loob ng kapihan. May kasabihan sa kanilang lugar na, "Coffee is best paired with chismis."

Needless to say, tambayan dinto ng mga “Marites.”

May nostalgic feel din sa rustic interior ng cafe, na para kang nasa loob ng sariling bahay habang nagkakape.

Desidido naman ang pamilya ni Titing na ipagpatuloy ang operasyon ng coffee shop, at ipasa ang tradisyunal na paghahanda ng kape hanggang sa susunod nilang henerasyon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paboritong tambayan ng mga coffee lovers, tourists, at vloggers ang Titing's Café sa San Carlos, Negros Occidental. Isang cultural icon, ito ang longest operating coffee shop, at kilala ito dahil sa tradisyunal na paraan ng paghahanda ng kape.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results