Watch Now

"Pinaka" ng bangus, tampok sa Bangus Festival ng Dagupan City

by KC Cordero
Apr 28, 2022
Ushers display some of the bangus
Bukod sa bigat, haba, at ganda ng Dagupan bangus, sumalang din ang mga kalahok sa Bangus Rodeo 2022 sa iba pang kumpetisyon na naglalayong mas pasiglahin ang isdang ipinagmamalaki ng lungsod.

Bida sa ginanap na “Bangus Rodeo 2022” noong April 28, 2022 ang kalidad ng mga bangus ng Dagupan City.

Nagdaos din ng iba’t ibang kumpetisyon na bahagi ng pagdiriwang ng Bangus Festival ngayong taon.

Bangus

Kabilang sa mga kategoryang pinaglabanan ng mga Dagupeño bangus growers ang Longest Dagupan Bangus, Heaviest Dagupan Bangus, at Prettiest Dagupan Bangus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bangus being measured

Ipinagmalaki rin ng mga residente ang kanilang husay sa tatlo pang paligsahan: Fastest Bangus Classifier, Fastest Bangus Deboner, at Fastest Bangus Eater.

Contestants eating bangus

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Bangus Festival 2022 Secretariat Head Maximo Tan, sa pagbabalik ng taunang selebrasyon at ng Bangus Rodeo, muling maitatanghal sa buong bansa ang de-kalidad na produktong bangus ng lungsod.

Pasisiglahin din nito ang pagpapahalaga ng mga residente sa industriya ng bangus na ipinagmamalaki ng Dagupan.

Ang Bangus Rodeo ay isang institutional event sa Dagupan at inilunsad noong 2002 ni dating mayor Benjamin Lim.

Ayon sa dating city agriculturist at ngayon ay Dagupan City consultant na si Emma Molina, ang pagpapalaki ng bangus ay isang passion at kailangang paglaanan ng ilang taon bago maituring na isang investment.

Ani Molina, “We could glean from this activity that our fishponds in the city could produce big and heavy bangus.

“These sizes usually thrive in the ocean, but now, we have the ability to produce their eggs in tanks and fishponds.”

Pinag-aaralan pa kung paano ang production ng itlog ng bangus sa isang research institution para ipamahagi sa community ng bangus producers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagwagi sa ginanap na Bangus Rodeo si Marcos Dicipulo sa kategoryang Heaviest Dagupan Bangus, na ang winning bangus ay may timbang na 6.24 kilos.

Ang Longest Dagupan Bangus na may sukat na 87.5 centimeters ay entry ni Adrian Caguioa.

Si Adrian din ang winner para sa Prettiest Dagupan Bangus.

Para sa individual competition, tinanghal na Fastest Bangus Classifier si Fernando Doria, Jr.

Ang Fastest Bangus Deboner ay si Imelda Santillan.

Nakuha naman ni Jaime Bucao, Jr. ang award bilang Fastest Bangus Eater.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa bigat, haba, at ganda ng Dagupan bangus, sumalang din ang mga kalahok sa Bangus Rodeo 2022 sa iba pang kumpetisyon na naglalayong mas pasiglahin ang isdang ipinagmamalaki ng lungsod.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results