Bawat boto mahalaga.
At ang karanasan ng isang pulitiko sa katatapos na May 9, 2022 elections ang magpapatunay nito.
Para sa pangwalong puwesto bilang konsehal ng lone district ng San Francisco, Agusan del Sur, lumusot si Vanjune Napao sa botong 12,333.
Tinalo niya si Carlito Tandog, na nasa ikasiyam na puwesto at may botong, 12,332..
Sa kanyang Facebook page, nagpaabot ng pasasalamat si Napao sa lahat ng sumuporta sa kanya.
Aniya, “LORD daghan kaaung Salamat!
“Thank you so much for your trust, support, and blessings to me and to my whole family!
“To all those who messaged and chatted me that I wasn't able to reply because of the number of people, Thank you so much and for your understanding. Yes
“Thank you San Francisco!”
DRAW LOTS IN CASE OF TIE IN VOTES
Sa kabilang banda, kung magkaroon ng tie sa dalawang tumatakbo sa public office, pinapayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang draw lots.
Nakasaad ito sa Omnibus Election Code – Article XIX.
Ayon sa Section 240 (Election resulting in tie), “canvassers shall proceed to the drawing of lots of the candidates who have tied and shall proclaim as elected the candidates who may be favored by luck, and the candidates so proclaimed shall have the right to assume office in the same manner as if he had been elected by plurality of vote.”
Matatandaang ganito ang nangyari noong 2019 elections sa mayoral race sa Araceli sa Palawan.
Nag-tie noon ang dating mayor na si Sue Cudilla at si incumbent Mayor Noel Beronio dahil pareho silang nakakuha ng 3,495 votes.
Nagkasundo sila sa tie-breaker sa pamamagitan ng toss coin.
Matapos ang best-of-three coin flip, nanalo si Cudilla at naging mayor muli sa Araceli.