Kilalanin: Ian Florentin, ang Cobra Prince ng San Pablo, Laguna

by Bernie V. Franco
May 18, 2022
cobra prince
Kilalanin si Ian Florentin, ang tinaguriang Cobra Prince ng San Pablo, Laguna. Si Ian ay isang snake catcher at vlogger. Fifteen years na siyang nanghuhuli ng ahas. Photos: Si Ian hawak ang isang mountain rat snake (kaliwa) at king cobra (kanan).
PHOTO/S: Ian Florentin

Fifteen years nang nanghuhuli ng mga ahas si Ian Florentin, kaya naman siya binansagang Cobra Prince ng San Pablo, Laguna.

Namana ni Ian, 24, ang hilig sa mga ahas at reptiles sa kanyang amang si Raymond Florentin, ang tinaguriang Cobra King sa kanilang lugar.

Gaya ng kanyang ama, si Ian ang pinupuntahan ng mga residenteng humihingi ng tulong para mahuli ang mga ahas na namamalagi sa kanilang bahay, bakuran, at bukiran.

Pero bukod sa paghuli ng mga ahas, hangad ni Ian na ma-educate ang mga tao pagdating sa mga ahas.

Kung kinatatakutan daw ng mga tao ang ahas, higit na kinatatakutan ng mga ahas ang tao.

cobra prince

Continue reading below ↓

Ani Ian Florentin, 24, nine years old pa lamang siya ay nagsimula na siyang manghuli ng ahas.

THE SON OF COBRA KING

Sa murang edad, na-expose na si Ian sa mga ahas dahil sa mga nahuhuli at inaalagaan ng kanyang ama.

“Kinalakihan ko na po yun, e, kasi yung tatay ko mahilig din sa mga snake. Nakahiligan ko na rin.

"Nag-aalaga siya ng mga snake dati, simula nung pinanganak po ako,” eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ian noong Lunes, May 16, 2022.

“Bale, nag-try ako manghuli ng snake, mga nine years old ako. Mga walang kamandang na ahas naman iyon."

Isinasama si Ian ng ama kapag may nagpapahuli ng ahas. Kapag non-venomous ito na gaya ng rat snake, si Ian ang pinapahuli ng ahas.

Sabi ni Ian, “Pag nakita niyang [tatay] hindi cobra, mga rat snake lang, ako yung papapasukin niya sa bahay.

"Okay lang dati makagat, e, kasi wala namang kamandag.

Continue reading below ↓

“Kasi pinagbabawalan po ako ni Papa na manghuli ng venomous snakes."

Nang magka-edad na si Ian, pinayagan na siya ng ama na manghuli ng makamandag na ahas.

“Pinayagan lang ako nung 18 years old ako. Nag-umpisa na akong manghuli ng cobra.”

Pero hindi lamang si Ian at ang kanyang ama ang snake catchers sa pamilya.

“Bale anim po kaming magkapatid. Panganay po yung babae.

“Kaming limang lalaki, nanghuhuli po kami ngayon ng ahas. Kasama yung tatay ko, bale, anim na rin kami.”

cobra prince

Continue reading below ↓

Si Ian, hawak ang isang cobra, isang venomous snake.

Ang kaalaman ni Ian ukol sa ahas ay nakuha sa ama, kasama ang pagre-research sa Internet, at maraming oras sa gubat para obserbahan ang behavior ng mga ahas.

Napansin din ng writer na ito na sa ilang araw na pakikipagpalitan ng mensahe kay Ian, lagi siyang may schedule ng paghuli ng ahas.

Ganunpaman, sinabi ni Cobra Prince na hindi fixed at hindi laging may kita ang isang snake catcher.

Pero masaya raw si Ian sa ginagawa at nakakatulong pa siya sa kapwa.

SERVICES OF A SNAKE CATCHER

Ibinahagi ni Ian ang proseso kapag may nais magpahuli ng ahas.

“Magmi-message po sila sa Facebook page ko po. ‘Tapos ise-set po namin iyon kinabukasan kung wala naman kaming gagawin.”

May pagkakataon daw na dalawa hanggang tatlong appointments ang inaabot sa loob ng isang araw.

Ani Ian, hindi sila nagbibigay ng presyo sa kanilang serbisyo. Nakadepende ito sa iaabot sa kanila ng kliyente.

Continue reading below ↓

Kadalasan daw ay alok na pagkain at meryenda ang ibinabayad sa kanila.

“Pagdating namin doon, pinapakain po muna kami," paliwanag ni Ian.

“Maghahanap na kami sa farm nila.

“Pagkatapos po naming maghanap, magpapameryenda naman po yung nagpapahuli.”

Paliwanag niya pagkatapos ng trabaho, “Bale, pag nakakakuha po kami ng snake sa loob ng farm, kahit di po kami naniningil, nagbibigay po sila ng pera, panggasolina or pangkain namin."

Suwerte raw kung mabigyan siya at ang kanyang mga kasama ng tig-PHP400 hanggang tig-PHP1,500 ng nagpahuli ng ahas.

Pero hindi raw lahat ay may kakayahang magbayad.

“Yung may mga farm lang kasi yung nagbibigay [nang malaki].

“Pero yung mga taga-bukid lang, pamerye-meryenda lang.

“Yung iba nga, naglilibot-libot pa sila sa barangay nila para may mabigay sa amin.

“Pero di na talaga namin tinatanggap pag ganoon. Pareho lang kaming mahirap lang din.”

cobra prince

Continue reading below ↓

Si Ian hawak ang isang Red Pit Viper

COBRA KING VENTURES INTO VLOGGING

Naisip naman ni Ian na puwede siyang kumita sa vlogging, at ang panghuhuli ng mga ahas ang magiging content niya.

Taong 2020, noong magka-pandemya, sinimulan niya ang kanyang vlog.

Naging inspirasyon ni Ian ang mga foreign snake catchers na napapanood din sa YouTube.

Pinangalanan niyang Cobra Prince ang kanyang YouTube channel.

Bukod sa panghuhuli ng mga ahas, may content din si Ian ng pamumundok, paghahanap, at pagre-rescue ng mga ahas.

“Nagpupunta ako sa gubat, bini-videohan ko yung mga ahas doon. Pinapakilala ko sa mga viewers ko.”

Sa ngayon, si Ian ay mayroong 107,000 subscribers.

Masaya na raw si Ian sa pagiging snake-catcher vlogger.

“Sulit naman po kasi gusto naman namin yung ginagawa namin. Hindi kami nahihirapan.

“’Tapos nakakatulong pa kami.

“Pagkatapos namin maghanap ng ahas, binubusog pa po kami.

“Iyon, bina-vlog namin.”

Pero ano ang ginagawa nina Ian sa mga nahuhuling ahas?

Continue reading below ↓

cobra prince

Sinimulan ni Ian ang mag-vlog noong 2020 o nung tumama ang pandemya.

FREEING THE SNAKES

Ang mga nahuling ahas ay inuuwi nina Ian, at inilalagay sa dalawang aquarium sa bahay ng amang si Raymond.

Kapag hindi na magkasya sa kulungan ang mga walang kamandag na ahas, dinadala ni Ian ang mga ito sa kanyang bahay.

Continue reading below ↓

”May maayos po silang lalagyan doon. May taguan po sila doon para hindi sila ma-stress.

“Pinapakain po muna iyon habang hindi pa nari-release.”

Ang mga pinapakain daw sa mga ito ay mga ulo ng manok na binibili sa palengke.

Ang pinakamalaking ahas na nahuli raw ni Ian ay isang sawa na umabot ng 18 feet.

Makalipas ang isang linggo o kaya ay umabot na sa labinlima ang mga ahas, pakakawalan daw ang mga ito sa malayong lugar.

Paliwanag ni Ian, “Pinapakawalan na sa bundok kasi bawal talagang patayin iyon.”

Bago raw pakawalan, makikipag-coordinate muna ang kanyang ama sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Siya po kasi ang kausap ng DENR sa amin. Sine-send niya yung mga listahan,” sabi ni Ian.

Sa malayo at liblib na lugar daw pinapakawalan nina Ian ang mga ahas.

Minsan ay kinakailangan pa nilang magbiyahe gamit ang kabayo para matiyak na sa malayong kabihasnan mapapakawalan ang mga ahas.

Continue reading below ↓

Minarapat ni Ian na huwag nang sabihin ang mga lugar.

EDUCATING NETIZENS ABOUT SNAKES

Sa content ni Ian, makikita rito kung ano ang mga ginagawa niya at ng kanyang mga kasama sa mga ahas na nahuhuli at nakikita.

Nagbabahagi ng kaalaman si Ian ukol sa mga ahas na itinatampok.

Sa isang video, mapapanood si Ian na nagpakagat sa ahas.

Inusisa namin siya kung nanganib na ba ang kanyang buhay dahil nakagat siya ng ahas.

Ani Ian, tinitiyak muna niya kung non-venomous ang ahas bago siya magpakagat.

Ginagawa raw niya ito para ipakita sa viewers niya kung gaano kalakas ang kagat ng ahas.

Pero mahigpit ang pagpapaalala ni Ian na huwag siya basta-basta gagayahin.

cobra prince

Continue reading below ↓

Isang pagkakataon na nakagat si Ian ng isang green rat snake, na isang non-venomous snake.

THE BITE OF A COBRA

Isa sa mga madalas mahuli ng grupo ni Ian ay ang cobra, na ang pagiging delikado nito ay depende sa dami ng naisaling venom sa katawan kapag nakagat nito.

“Madami po akong nakilalang tao na nakagat na rin ng cobra. Hindi po sila namatay.

“Yung iba, hindi na rin nagpa-inject ng anti-venom.

“Pero yung iba naman namatay,” aniya.

“Pag nasalinan ka ng maraming kamandag ng cobra, doon ka po mamamatay.

“Minsan po nagda-dry bite po iyon, e.”

Ang dry bite daw ay kapag kaunti lang ang naisaling kamandag ng cobra sa nakagat nito.

Halimbawa ni Ian, “Kumain po yung cobra. Habang kumakain siya, nasasalin niya po yung venom niya sa kinain niya.

“’Tapos makakatiyempo po siya ng tao. Makakagat niya ang tao.

“Konti na lang po yung na-inject niya, konti na lang yung venom kaya nakakaligtas.”

Continue reading below ↓

Bagamat kinatatakutan ng mga tao ang ahas, sinabi ni Ian na kailangan pa rin silang irespeto dahil may buhay sila.

SNAKES ARE AFRAID OF PEOPLE

May mensahe si Ian sa mga taong masama ang tingin sa mga ahas.

“Yung mga ahas po kasi, mas takot din sila sa mga tao. Triple ang takot nila sa tao.

“Yung mga ahas gusto din nilang mabuhay sa mundong ito, di lang tayong mga tao.

“Para rin lang silang mga ibon na gusto ring mamuhay nang normal.

“Naliligaw lang sila sa bakuran natin sa kahahanap ng pagkain.

“Kasi yung lugar nila dati na ginawa nating subdivision, na ginawa na nating kalsada…Nasira na kasi ang tirahan ng mga ahas, kaya minsan napapadpad sila sa lugar nating mga tao.

“Kaya sana wag natin silang patayin. Kilalanin natin kung ano ang iba’t ibang klase ng ahas, para mabawasan po ang takot natin, lalo na yung venomous snakes.

Continue reading below ↓

“Dito kasi sa Pilipinas, nasa isip kasi ng tao patayin. Respetuhin natin kagaya ng pagrespeto natin sa ibang hayop.

“Kasi ang mga ahas may karapatan din mabuhay, di lang po tayo.”

cobra prince

Ani Ian, kailangan ding irespeto ang mga ahas, gaya ng ibang mga hayop.

MESSAGE TO ASPIRING SNAKE CATCHERS

Ano naman ang maipapayo niya sa mga interesado o nagnanais na maging snake catchers?

Continue reading below ↓

“Wag po silang magmadali sa cobra kaagad.

“Ako po kasi nagsimula sa walang kamandag.

“Pinag-aralan ko na di ako makagat ng ahas na iyon.

“Mag-ingat po kayo kung gusto niyo pong gumaya, lalo na sa cobra.”

Nagbigay din siya ng precautions sa mga nais manghuli ng ahas.

“Bago kayo manghuli ng cobra, siguraduhin na nakaguwantes kayo at nakabota, just in case may lumabas na cobra para di po tayo mapahamak.

“Iwasan na natin ang paglalaro ng mga cobra para di tayo matulad sa iba na nakakagat dahil sa paglalaro ng cobra.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kilalanin si Ian Florentin, ang tinaguriang Cobra Prince ng San Pablo, Laguna. Si Ian ay isang snake catcher at vlogger. Fifteen years na siyang nanghuhuli ng ahas. Photos: Si Ian hawak ang isang mountain rat snake (kaliwa) at king cobra (kanan).
PHOTO/S: Ian Florentin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results