China's "most handsome man" idedemanda ang magsasabing "guwapo lang" siya at walang talent

by KC Cordero
May 19, 2022
Dingzhen Zhenzhu patented innocent smile
Sumikat noong November 2020 si Dingzhen Zhenzhu dahil sa kanyang “innocent smile” at “pretty face.” Itinuring din siyang “China’s most handsome man,” pero para sa kanyang bashers, guwapo lang siya, walang talent.

Ang Chinese na si Dingzhen Zhenzhu ay naging viral sensation sa China noong late 2020 dahil sa kanyang rugged good looks.

Isa siyang 21-year-old Tibetan herder na noo'y itinuring na “China’s most handsome man.

Ang kanyang charm ay maihahalintulad kay Jeyrick Sigmaton, ang "Carrot Man" ng Pilipinas.

Dingzhen Zhenzhu lighting the candle of his birthday cake

Pero masasabing sensational ang pagsikat ni Dingzhen dahil ginagawang reference ang kanyang pangalan bilang isang guwapo nga pero wala namang talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginawa ring pang-insulto ang kanyang pangalan sa mga social-media users.

Halimbawa, si Wang Bingbing na isang sikat na state media reporter ay tinatawag na “Dingzhen Who Interviews.”

Si Will Liu Keng-hung naman na isang Taiwanese singer and fitness trainer na sumikat online dahil sa kanyang mga videos sa China ay madalas tawaging “Exercising Dingzhen” o “Dingzhen Who Exercises.”

Napikon si Dingzhen.

Ngayon, idedemanda niya ang mga nag-comment sa social media na nagsabing “guwapo lang” siya.

Naglabas na ang agent ni Dingzhen ng letter mula sa kanyang lawyer noong May 14, 2022 na nagbababala sa mga tao na huwag gagawa ng defamatory comments tungkol sa kanya na nagtataglay ng “insulting, terrifying, vulgar, or vilifying words, pictures and audio.

“Never dare do anything evil no matter how trivial you think it is,” ayon sa bahagi ng statement ni Dingzhen.

MORE DETAILS ABOUT DINGZHEN ZHENZHU

Unang napansin si Dingzhen noong November 2020 dahil sa seven-second video clip na nagpapakita ng kanyang “innocent smile” at “pretty face” na naging viral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dingzhen Zhenzhu atop a mountain

Mula noon ay naging sikat na online influencer siya at naging ambassador ng local government ng Litang, isa sa mga pinakamahirap na county sa China.

Dahil sa kanyang kasikatan, naging popular tourist destination ang Litang.

Naimbitahan din siya para magsalita sa World Earth Day event na inorganisa ng United Nations Development Programme noong isang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SIKAT PERO MARAMI RING BASHERS

Gayunpaman, ang kanyang kasikatan ay may kaakibat na pagdududa at kritisismo—lalo na sa mga kalalakihang Chinese.

Isa sa mga popular online comment laban sa kanya ang: “10 years of hard academic study is not a quarter as good as Dingzhen’s smile.”

Dingzhen Zhenzhu atop a mountain

Malinaw ito na isang panlalait kung paano mas binibigyang-halaga ng ibang tao ang physical appearance kaysa accomplishments and achievements.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa survey naman na isinagawa ng Hupu, isang leading sports forum sa China, sa 3,300 users noong December 2020, nagpapakita na 63 percent ng respondents ay naniniwalang mas guwapo pa sila kumpara kay Dingzhen.

Nabatikos din siya matapos makunan ng video habang humihitit ng vape, na in-upload sa social media noong January 2021.

Napilitan tuloy maglabas ng statement ang kanyang agent na nagsabing, “Although smoking is a personal choice by any adult, as a public figure, one should take his influence into consideration. We apologise on behalf of Dingzhen.”

Ayon naman kay Dingzhen, alam niya ang mga kritisismo laban sa kanya. Inihayag niya ito sa panayam sa kanya ng Portrait, isang Chinese monthly magazine, na nalathala noong October 2022.

Aniya, “I saw it, but what I thought was, as a Tibetan saying goes: ‘When there are hundreds of people who like you, there may be tens of thousands who don’t.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sumikat noong November 2020 si Dingzhen Zhenzhu dahil sa kanyang “innocent smile” at “pretty face.” Itinuring din siyang “China’s most handsome man,” pero para sa kanyang bashers, guwapo lang siya, walang talent.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results