Inaasahang dadagsa ang mga turista sa “Malacañang of the North,” isang presidential museum sa Barangay Suba, Paoay, Ilocos Norte kasunod ng pagkakapanalo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos.
Ang dating bahay-bakasyunan ng pamilya Marcos, na isa na ngayong museum, ay naging paboritong venue para sa kasalan at iba pang malalaking events.
Tampok sa Malacañang of the North ang mahahalagang kaganapan sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Isa rin ito sa itinuturing na “tourist magnet” sa Ilocos Norte.
Sa kasalukuyan, ang Malacañang of the North na may dalawang palapag ay pinamamahalaan ng Ilocos Norte government.
Ang entrance ay PHP20 kada bisita bago nagkapandemya.
Itinayo ito noong 1977 ng Philippine Tourism Authority, na ngayon ay Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), bilang bahagi ng pagpapalakas ng turismo sa lalawigan.
Napasailalim ito sa pamamahala ng Ilocos Norte government noong 2010, at ipinaayos ni Senator Imee Marcos, na noon ay governor ng lalawigan.
Ayon kay Provincial Tourism Officer Aian Raquel sa isang panayam noong May 18, 2022, naantala ang planong expansion nito dahil sa pandemic.
Aniya, “Part of the original plan is to revive the swimming pool and improved the garden landscape.”
Malaki rin aniya ang posibilidad na madagdagan ang pondo ng Malacañang of the North sa ilalim ng papasok na administrasyon.