Volleyball star Deanna Wong, first love ang basketball

"...basketball player ako noon."
by KC Cordero
May 26, 2022
Deanna Wong in two-piece swimwear, and in volleyball uniform.
Basketball ang unang nilalaro ni Deanna Wong noong 11 years old pa lang siya, pero lumipat siya sa volleyball dahil hindi raw sikat sa Cebu ang paglalaro ng basketball para sa mga young girls.

Ano ang reaksiyon ni Deanna Wong sa pagiging sobrang popular niya at halos lahat ng kilos niya ay laging mino-monitor ng mga fans.

Deanna Wong in casual wear

Ani Deanna sa panayam ng fansite na Deanna Babalik noong May 17, 2022, “Grateful! Sobrang grateful talaga sa lahat nang nangyayari, pero, at the same time. also humbled.

“Without them naman, without the support system, yung mga tao na nakapaligid, hindi rin ako darating kung saan ako naroon ngayon."

BASKETBALL ANG FIRST LOVE

Naibahagi rin niya na grade four siya at eleven years old nang magsimulang magkaroon ng interes sa sports.

Pagtatapat niya, “And volleyball isn't actually the sport that I wanted at first kasi basketball talaga ang akin. Kasi basketball player ako noon.

“Pero iyon nga, parang hindi kasi popular ang basketball sa Cebu na nilalaro ng mga girls. So doon na rin ako nag-start na volleyball na ang nilalaro.”

Young Deanna Wong

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong estudyante pa lang siya, kahit player na siya mula pagkabata ay prayoridad niya ang kanyang pag-aaral.

"First and foremost, studies talaga muna bago lahat. Kasi hindi ka naman makakalaro kung hindi ka mag-aaral, di ba? Pero it also takes discipline, and yung time management talaga. You have to know your priorities as well.”

INTERNATIONAL COMPETITIONS

Aminado naman ang dalaga na nalungkot siyang hindi nakasama sa Philippine women’s national volleyball team sa ginanap na Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Deanna Wong in volleyball uniform

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Uhm, nakakalungkot, pero I always think things positively. Kasi, for example, nakapagpahinga yung injury ko. Saka I got to spend time with my family at na-experience ko yung events like this na nakasama ang fans.

“Siguro hindi ko pa time [para sa SEA Games], pero in the long run, in the future, baka makabawi.”

ROLE MODEL NG MGA KABATAAN

Payo ni Deanne sa mga kabataang babae na mahilig sa sports at gustong sundan ang kanyang mga yapak, “Just really do what you love.

“Doon naman nagsisimula ang lahat, e. Parang kung gugustuhin mo yung isang bagay, tuluy-tuloy na iyan. Huwag lang susuko kasi siyempre mahirap talaga sa una, but always remember that at the end, it's gonna be worth it.”

Ginagawa rin umano niya ang kanyang part na maging role model at maka-encourage ng mga kabataan na maging aktibo sa sports at umiwas sa masasamang bisyo.

“Given that we're professional athletes, yung platform namin is sobrang wide. So hopefully, that can inspire, motivate people, lalo na yung mga bata, for them to really understand, hindi lang dahil mahal namin yung supporters namin. Siyempre, bring these people together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Volleyball community is that big, and even if you don't know each other, naging friends sa isa't isa. Hopefully, that can entail in their minds.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Basketball ang unang nilalaro ni Deanna Wong noong 11 years old pa lang siya, pero lumipat siya sa volleyball dahil hindi raw sikat sa Cebu ang paglalaro ng basketball para sa mga young girls.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results