Giant lapu-lapu na nahuli sa Antique, napakabigat; limang oras bago naiahon sa dagat!

by KC Cordero
Jun 29, 2022
Rex Vego, Jr. and some spectators with the giant lapu-lapu
Kinabog ng nahuling 187 kilos giant lapu-lapu ni Rex Vega Jr. ng Antique ang unang napaulat na nabingwit sa Palawan na may timbang namang 123 kilos. Dahil dito, tinatayang mas marami pang giant lapu-lapu ang nasa ating karagatan. (Photos courtesy of Reah Vego Davidson)

Isa na namang higanteng isdang lapu-lapu ang nabingwit, pero sa pagkakataong ito, sa dagat ng Antique.

Ito ay kasunod ng napaulat na 123 kilos na nahuli ng isang mangingisda sa Palawan noong May 3, 2022, at nabenta ng mahigit PHP19,000.

Nitong June 25 ay si Rex Vego, Jr. naman ng Sebaste, Antique ang nakabingwit ng malaking biyaya.

Mas malaki at mas mabigat ang huling higanteng lapu-lapu ni Rex dahil ang timbang nito ay nasa 187 kilos.

Rex Vego, Jr. with the giant lapu-lapu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong June 25, sa Facebook post ni Reah Vego Davidson, tiyahin ni Rex, nagkaroon daw ng challenge para makuha ang kabuuang timbang ng isda.

Ani Reah, “Hindi kasya sa timbangan ang isda.”

Kinailangan pa aniyang hiwain ito para malaman ang eksaktong timbang.

“Ulo ay 50 kilos. Lamang loob 30 kilos. Laman ay 107 kilos. Total ay 187 kilos.”

Kuwento pa ni Reah ay alas dose ng tanghali nang mapansin ni Rex na may kumagat na sa mga pain (baits) nito.

“Daily routine na po ni Rex na during night time ay humuhuli po siya ng isdang marot or galunggong para ipain sa madaling araw sa kanyang bingwit or hook at itali sa balsa.

“So nung napansin niya na may kumain sa pain niya ay sinikap niya pong iahon ito, ngunit hindi po niya kinaya kasi lumalaban po yung catch niya.”

The giant lapu-lapu

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga tumulong kay Rex para maiangat ang nahuling higanteng lapu-lapu. Mahigit limang oras din ang itinagal bago nila naiangat ang casting net.

“Around 5:00 p.m. nila naiangat yung isda at laking gulat nila nang makita ang higanteng lapu-lapu,” ani Reah.

Patay na rin umano ang isda nang maiahon.

“Pinagtulungan nilang hilain sa dalampasigan yung isda at dun na nagkagulo ang mga tao dahil sa bayang ito, never pa sila nakakita ng ganun kalaking isda.”

Ang laman ng higanteng lapu-lapu na 107 kilos ay nabenta sa isang negosyante, pero hindi na binanggit kung magkano.

Ang ibang parte ay hinati-hati naman sa mga tumulong na maiahon ito.

Noong June 27, sa kanyang Facebook, ay nagpaliwanag naman si Reah dahil may mga bumabatikos umano sa pagkakahuli ni Rex sa higanteng lapu-lapu.

Aniya, may mga nagtanong kung bakit hindi ibinalik sa dagat.

Paliwanag niya, “Well, the fact is, hindi sinasadyang mahuli or hulihin ang giant lapu-lapu na yun dahil ang baits maman talaga ay sinadya para sa blue marlin or yellow fin tuna or tangigue lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagkataon yung lapu-lapu ang nabingwit. After almost five hours of struggle na makuha or maiahon ang nasabing isda ay patay na itong naiahon sa tubig after almost six hours, so, sa palagay niyo kaya maibalik niyo pa yun sa tubig?”

Pangingisda lang aniya ang tanging pangsuporta ni Rex sa pamilya. May tatlo siyang anak.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinabog ng nahuling 187 kilos giant lapu-lapu ni Rex Vega Jr. ng Antique ang unang napaulat na nabingwit sa Palawan na may timbang namang 123 kilos. Dahil dito, tinatayang mas marami pang giant lapu-lapu ang nasa ating karagatan. (Photos courtesy of Reah Vego Davidson)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results