Watch Now

Ang kuwento tungkol sa itinapong kamatis ng magsasakang si Lod Guinayon sa Bukidnon

by KC Cordero
Jul 11, 2022
Lod Guinayon sadly looks at the dumped tomatoes.
Nagdesisyon si Lod Guinayon ng Barangay Alanib, Lantapan, Bukidnon na itapon na lang ang mga aning kamatis kasya ibenta sa presyong super barat. Umaksiyon na ang Department of Agriculture Region 10 para hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

Nag-viral kamakailan sa social media ang mga larawan ng mga kamatis na itinapon na lang ng magsasakang si Lod Guinayon ng Barangay Alanib, Lantapan, Bukidnon matapos hindi mabenta.

Ayon sa ulat ng Department of Agriculture Region 10 noong July 7, 2022, ibiniyahe ni Lod ang 56 kahon ng kamatis noong July 5 para ibenta sa mga dealers at vendors sa Westbound Public Market sa Barangay Bulua, Cagayan De Oro.

Ang bawat kahon ay tumitimbang ng 25 kilos.

Ang kalakaran ng benta ay PHP300 kada kahon para sa hindi pa hinog at magandang kalidad na kamatis.

Tinatayang kikita sana si Lod ng PHP16,800.

Ngunit ayon kay DA-10 Director Carlene Collado, “His [Lod] produce ripened and was offered to be bought at only PHP100 to PHP150 per box.”

Photo of dumped tomatoes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, iniuwi ng magsasaka ang mga kamatis at itinapon na lang.

Obserbasyon ni Neptali Ambos, Lantapan municipal agriculture officer, natagalan sa pagbibiyahe si Lod ng kanyang mga kamatis kaya inabot ang mga ito ng pagkahinog.

Para hindi na maulit ang ganitong pangyayari, sinabi ni Collado na nakipag-partner ang DA-10 sa Lantapan Vegetable Farmers Multipurpose Cooperative upang matulungan ang mga miyembro nito na magkaroon ng market tie-up sa AgriGlobal Ventures Inc. na bumibili ng mga gulay nang bultu-bulto.

Sa kasalukuyan ay bagsak ang presyo ng kamatis sa Cagayan de Oro dahil sa oversupply.

Ang tomato processing plant naman sa Bukidnon ay matagal na ring naisarado kaya ibinabiyahe ng mga magsasaka roon sa ibang lugar ang kanilang ani.

Ang isang tomato farmer ay kinakailangang makabenta ng PHP500 kada kahon ng kamatis para makabawi sa gastos sa abono, trucking, at iba pang gastusin sa pagtatanim.

Sinabi naman ni Ambos na kailangan din nina Lod at iba pang magsasaka ng trading posts and processing centers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakagawa na aniya ng request ang kanilang munisipyo, pero wala pang aksiyon ang DA.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagdesisyon si Lod Guinayon ng Barangay Alanib, Lantapan, Bukidnon na itapon na lang ang mga aning kamatis kasya ibenta sa presyong super barat. Umaksiyon na ang Department of Agriculture Region 10 para hindi na maulit ang ganitong pangyayari.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results