Grade 11 honor student, nais magpa-ampon at mamasukan para maipagpatuloy ang pag-aaral

by Bernie V. Franco
Jul 13, 2022
Jerico Camparicio
Honor student na si Jerico Camparicio, nanawagan na nais niyang magpa-ampon o mamasukan bilang kasambahay kapalit ng pagpapa-aral sa kanya. si Jerico ay upcoming Grade 12 student.
PHOTO/S: Facebook (Jerico Camparicio)

Usapan ngayon sa social media si Jerico Camparicio, 23, taga-Roxas, Palawan, dahil sa kanyang Facebook post.

Ang consistent honor student na ito ay naghahanap ng mag-aampon sa kanya at willing siyang magsilbing kasambahay kapalit ng pagpapa-aral sa kanya.

Si Jerico ay incoming senior high school student sa darating na pasukan.

Ibinida pa ni Jerico ang pagiging honor student niya sa junior high school nito lang June 2022.

July 9, 2022 nang ginawa ni Jerico ang kanyang post na nananawagan na ampunin siya.

Bungad niya (published as is): LF [looking for] guys yong gusto lang po mag ampon sakin yong kaya ako pa aralin kase gusto ko maka pag Tapos sa pag aaral ko…”

Nag-alok siyang maging tagalinis at tagaluto sa aampon sa kanya, basta pag-aralin lang siya.

Alam daw ni Jerico ang hirap ng hindi nakatapos sa pag-aaral.

Binanggit niyang iniwan siya ng kanyang ama na nasa Negros ngayon, habang ang kanyang ina ay may iba nang pamilya.

Hindi raw siya sinusuportahan ng mga magulang sa pag-aaral.

Anim daw silang magkakapatid, pero siya na lang ang nagsusumikap mag-aral.

Jerico camparicio

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERICO HOLDS ON TO HIS DREAM

Samantala, iniulat ng regional media outlet sa Palawan ang post ni Jerico.

Nakapanayam din ang binata ng Net25 nitong July 12, 2022.

Tinalakay sa ulat na sinusuportahan ni Jerico ang sarili sa pamamagitan ng online selling, gaya ng mga prutas at tuyo.

Subalit hindi ito sapat para masuportahan ang kanyang pag-aaral.

“Nag-o-online selling po. Minsan po nagba-varnish na lang ako, pagpapaganda ng bahay...

“Inaantay ko na lang po yung sa enrollment namin ngayong August po,” aniya sa Net25.

Bukod sa walang financial support si Jerico mula sa mga magulang, hindi rin siya suportado ng mga ito sa hangad niyang makapagtapos.

“Ang gusto ko lang naman po makapagtapos ko ang pag-aaral ko, maabot ko yung pangarap ko,” aniya.

Pitong taon na raw mula nang iwan siya ng ama at nangungulila siya rito.

Himutok ni Jerico, “Masakit na dina-down kaya nga nagsisikap akong mag-aral para maabot yung pangarap ko, kaso hindi niyo ako sinusuportahan.

“Kaya gusto ko na lang magpa-ampon sa ibang tao. Sana maintindihan niyo.”

Wala naman daw siyang sama ng loob sa ina kahit hindi siya sinusuportahan nito.

Humingi pa ng tawad si Jerico sa ina, pero desidido raw siyang ituloy ang pag-aaral kahit hindi sang-ayon ang magulang.

Sa kabilang banda, maraming netizens ang nagkomento na nagmumungkahi kay Jerico ng mga paraan para maipagpatuloy ang pag-aaral.

May mga nagbanggit ng mga scholarship programs na puwede niyang subukan.

May ibag taga-Roxas, Palawan, ang nagpahayag ng interes na makipag-ugnayan sa kanya para matulungan siya.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Honor student na si Jerico Camparicio, nanawagan na nais niyang magpa-ampon o mamasukan bilang kasambahay kapalit ng pagpapa-aral sa kanya. si Jerico ay upcoming Grade 12 student.
PHOTO/S: Facebook (Jerico Camparicio)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results