Tiniyak ng isang cum laude graduate mula sa University of the Philippines Visayas na magiging unforgettable ang kanyang recognition day.
Daig pa ni John Howard Platon, 22, ang nanalo ng korona sa ginanap na Papuri 2022 sa UP Visayas noong July 20, 2022.
Nang umakyat sa entablado si Howie (palayaw ni John Howard) para sa kanyang medalya bilang cum laude, in-execute niya ang iconic slow-mo turn ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Flawless ang ikot ni Howie at gayang-gaya ang twirl ni Catriona sa preliminary competition sa Miss Universe 2018 pageant.
Matapos ang twirl, nagpunta sa gitna ng stage si Howie, bahagyang binaluktot ang mga tuhod para maisabit sa kanya ng ina ang medalya.
Pero ang porma ni Howie ay parang korona ang ipuputong sa kanya at tila nanalo siya sa isang beauty pageant.
[twitter:
dayaw gid. dresscode what. char. you're welcome, UPV. ????
— howie (@lifeofhoward_) July 20, 2022
andam buwas. chariz.
di ko hungod byaan akon iloy, mga ague pic.twitter.com/pyXq0AoLP9
Si Howie, na mula North Cotabato, ay proud member ng LGBTQIA community at isa ring huge pageant fan.
Nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Communication and Media Studies sa UP Visayas.
Ani Howie, bahagi na ng kanyang daily routine ang gawin ang slow-mo turn ni Catriona.
“Actually, yung slow-mo turn lang naman ni Catriona Gray. I've been doing it since Cat was crowned,” mensahe niya sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong July 21, 2022.
“Kahit sa sidewalks papuntang banwa [market], mula classroom papuntang sakayan ng trike, o kahit papuntang CR para maligo.
“So when it's my turn to get the award, medyo muscle memory na siya. Hahaha!”
REACTION OF AUDIeNCE, MOM
Mainit ang pagtanggap ng mga fellow graduates sa ginawa ni Howie.
“I just heard people applauding and cheering me on. Apparently, they did not expect I was gonna do it.”
Nagulat din pati ang kanyang nanay sa kanyang ginawa pero pagkakataon na raw ito ni Howie na tuparin ang pangarap niyang rumampa sa “bigger stage.”
“Medyo gulat din nga si Mother when I did that kasi ang sinabi ko lang sa kanya is kapag ido-don niya na sa akin yung medal, uupo ako like parang kina-crown.
“So medyo unintentional lang yung walk. Though at the back of my mind na siya.
“But I just wanted to do what I love and known for, walking like a model or beauty queen.
“It has been my dream din kasi to walk in bigger stages, so baka part nun is my frustration,” may halong birong pagbabahagi ni Howie.
Also Read: Nathaniel Portez, ang valedictorian na scene stealer sa graduation
PIA WURTZBACH FAN TOO
Hindi lang sa recognition day lumabas ang pagiging passionate ni Howie sa pageants.
Pagsapit ng graduation ceremonies kinabukasan, July 21, rumampa si Howie sa pagtanggap ng diploma na mistulang naglakad sa beauty pageant competition.
Tweet niya (published as is): “Isa sa mga natutunan ko kay @PiaWurtzbach, alamin kung saan ang camera.”
Ang lakad ni Howie ay katulad ng rampa ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach nang lumaban sa Miss Universe.
Kitang-kita rin na kabisado ni Howie ang posisyon ng mga camera base sa kanyang pag-project at pag-anggulo.
Nang tanungin si Howie sa kanyang pangarap, “I want to be part of Miss Universe Philippines' Committee, pursue advertising …”
NOT EXPECTING TO BE A CUM LAUDE
Sa kabilang banda, nabanggit din ni Howie na hindi niya inasahang magkakaroon siya ng Latin honors.
“Di naman na ako nag-expect, first year pa lang, since hindi ako nasama sa list of college/university scholars.
“Pero reaching here, I just did my part kahit mahirap.
“Feel ko naman everyone can resonate with me if I say na bonus lang talaga yung Latin honor. Thankful ako. At feel ko naman deserve ko ito.”
Bakit hindi niya in-expect na maging cum laude.
“Sa hirap na pinagdaanan namin, di ko na inisip yun, e,” ani Howie, pagtukoy sa pag-aaral sa panahon ng pandemya.
“There were moments kasi talaga na I feel like mababagsak ko yung subject. Gladly, wala naman.
“Medyo hinope ko naman magka-honors pa rin, pero hindi lang siya yung iniisip ko all the time, when I am barely surviving sa subjects ko.”