Graduation lei na puro sitsirya, isinabit sa senior high school student

by KC Cordero
Jul 22, 2022
Mark Jason Waminal wearing the sitsirya garland
Patok sa netizens ang graduation lei ni Mark Jason Waminal. Puro sitsirya kasi ito. Biro ng iba, puwede na raw siyang magtayo ng sari-sari store.

Trending at kinagigiliwan ngayon ng netizens ang graduation photo ni Mark Jason Waminal, mas kilala bilang Jaymark, ng Alubijid, Misamis Oriental.

Nagtapos siya ng senior high school.

Graduation photos of Mark Jason Waminal

Agaw-pansin ang nakasabit sa kanyang leeg na graduation lei, na sa halip na bulaklak ay puro sitsirya.

Caption ni Jaymark sa kanyang picture na nai-post niya sa kanyang Facebook account noong July 3, 2022, “Nag libog ko mo graduate bako or mamaligyaa kog makaon.”

Continue reading below ↓

Roughly translated, ang ibig niyang sabihin: “Nalilito ako kung nag-graduate ba ako o nagtitinda ng pagkain.”

Nagpasalamat din siya sa nagbigay ng kanyang graduation lei na napag-alaman niyang isa niyang pinsan.

Tuwang-tuwa naman ang netizens at may kanya-kanyang comment sa kanyang post.

Netizens comment on Mark Jason Waminal FB post

May nagbiro pa na puwede na raw magnegosyo si Jaymark.

Continue reading below ↓

Netizens comment on Mark Jason Waminal FB post

Ang iba naman ay nakakuha ng idea kung ano ang isasabit sa kakilalang ga-graduate.

Netizens comment on Mark Jason Waminal FB post
May nagsabing may pulutan na siya sa inuman.

Continue reading below ↓

Lagi rin umanong lumalabas sa feed ng iba ang kanyang larawan.

Patunay ito na sa anumang okasyon, lumalabas ang unique humor ng mga Pinoy.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patok sa netizens ang graduation lei ni Mark Jason Waminal. Puro sitsirya kasi ito. Biro ng iba, puwede na raw siyang magtayo ng sari-sari store.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results