Meet Lola Segundina Laforteza Quinto, "oldest Citizen in Calasiao"

by KC Cordero
Jul 23, 2022
Lola Segundina Laforteza Quinto recognized as a living centenarian
Nakatanggap na si Lola Segundina ng mga parangal at incentives mula sa local government units, national government agencies, at maging sa provincial government ng Pangasinan dahil sa kanyang pagiging living centenarian. One hundred and six years old na siya ngayon. (Photos courtesy of Gerald Quinit)

Nagdiwang si Lola Segundina Laforteza Quinto ng kanyang 106th birthday noong July 10, 2022.

Residente siya ng Calasiao, Pangasinan.

Nai-post ng kanyang apo na si Gerald Quinit sa Facebook account nito ang ilang larawan ng selebrasyon.

Gerald Quinit and Lola Segundina Laforteza Quinto

Nakatanggap na si Lola Segundina ng mga parangal at incentives mula sa local government units, national government agencies, at maging sa provincial government ng Pangasinan dahil sa kanyang pagiging living centenarian.

Continue reading below ↓

READ:

Pinay lola, 123 years old, kandidato sa Guinness bilang oldest living person

Paalam, Lola Iska, “oldest living person in the world"

Mayroon siyang 10 anak, 39 na apo, at 64 na apo sa tuhod.

Sumakabilang buhay na ang kanyang mister na si Joaquin noong 84 anyos ito.

Bagaman at may pagbabago na sa talas ng kanyang memorya, nakakapagkuwento pa siya sa kanyang mga anak at apo ng buhay sa nakalipas, partikular noong sinakop ang Pilipinas ng mga Hapon.

Pagbabahagi ni Gerald, “She would always tell us the story of how the Japanese soldiers arrived during the harvest season of tomatoes in their field and they would hide.

“They sort of having this secret passage [tunnel] where they would hide until the Japanese soldiers were gone.”

Ang sikreto ni Lola Segundina sa kanyang mahabang buhay ay ang pagiging maingat sa pagkain. Mahilig siya sa mga gulay at prutas.

Lagi rin siyang nag-iinat-inat sa balkonahe ng kanilang bahay bilang ehersisyo.

Continue reading below ↓

At araw-araw pa rin siyang nakapagdadasal ng rosaryo at novena.

Ayon pa kay Gerald, ang kanyang Lola Segundina ang kinikilalang “Oldest Citizen in Calasiao.”

At ang birthday wish niya para sa kanyang pinakamamahal na lola, “May you live long healthy and effortlessly.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatanggap na si Lola Segundina ng mga parangal at incentives mula sa local government units, national government agencies, at maging sa provincial government ng Pangasinan dahil sa kanyang pagiging living centenarian. One hundred and six years old na siya ngayon. (Photos courtesy of Gerald Quinit)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results