Ang kuwento sa likod ng lumang barber’s chair ni Tatay Piping

by KC Cordero
Jul 26, 2022
Tatay Piping with his old barber chair
May mga tumulong kay Tatay Piping para maipaayos ang kanyang barber shop, pero di niya itatapon ang lumang barber’s chair. “Mahalaga ito sa akin dahil iyong pera na ipinambili ko dito, e, pera namin ng asawa ko. Kaya hindi ko rin ito pwedeng itapon. Iyong pagmamahal ko sa misis ko ay parang pagmamahal ko na rin sa upuan na iyan.” (Photos courtesy of Von Ordoña)

Salamat sa Internet, nagkaroon ng bagong buhay ay negosyo ng 80-year-old barber na si Tatay Piping ng Aparri, Cagayan.

Unang nai-feature si Tatay Piping sa vlog na BecomingFilipino noong 2018.

Ayon sa vlogger, hindi niya binanggit sa kanyang post na kailangan ni Tatay Piping ng tulong.

“Why? Because his attitude and inspiring personality was something I didn't want to be overshadowed.”

Tatay Piping doing a haircut

Continue reading below ↓

Nakadalawang beses na siyang nagpagupit kay Tatay Piping, pero ni minsan ay hindi ito humingi ng kahit ano sa kanya.

“Tatay never asked me for anything. I didn't want the evidently rundown barbershop to overshadow the beauty of him.”

Kamakailan ay kinontak si BecomingFilipino ng staff ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) kaugnay sa kanilang pag-feature ng buhay ni Tatay Piping sa show.

Aniya, “It was so great to hear that they not only are featuring his life story, but have been organizing help for him.”

ALAALA NG LUMANG BARBER’S CHAIR

Noong July 17, 2022 ay naging tampok sa KMJS ang buhay ni Tatay Piping, na dalawang dekada nang barbero sa kanilang lugar.

Tatay Piping in front of his barber shop

Continue reading below ↓

Araw-araw ay maaga siyang gumigising at agad hinahasa ang kanyang gunting at labaha bago pumunta sa kanyang barber shop.

Aniya, dati ay tatlo ang kanyang barber’s chair, pero ngayon ay iisa na lang dahil naibenta na niya ang dalawa.

Sa pagiging barbero niya naitaguyod ang kanyang walong anak.

Biyudo na siya ngayon, at pumanaw na ang isa niyang anak.

Pagbabalik-tanaw pa niya sa kanyang lumang barber’s chair, "Nagsisilbing masayang alaala ito ng pamumuhay ko dito.

“Mahalaga ito sa akin dahil iyong pera na ipinambili ko dito, e, pera namin ng asawa ko. Kaya hindi ko din ito pwedeng itapon.

“Iyong pagmamahal ko sa misis ko ay parang pagmamahal ko na din sa upuan na iyan.”

HUMINA NA ANG KITA

Singkuwenta pesos ang singil ni Tatay Piping kada gupit. Pero sa ngayon ay tinatanggap niya kung magkano lang ang kaya ng kanyang mga customer.

“Imbes na PHP50 ang singil ko, nagbabayad sila ng PHP30 o PHP40, dahil wala silang pera.”

Continue reading below ↓

Aminado rin siyang madalang na ang nagpapagupit ngayon dahil nagtitipid ang mga tao.

“Minsan sa isang linggo, isa lang ang pumupunta kasi parehas ko din silang walang pera.”

Siya na rin lang ang natitirang barbero sa kanilang lugar. Ang mga kasabayan niya ay nagsipanaw na.

“Kung wala akong gugupitan, nakaupo lang ako at nag-iisip kung saan ako kukuha ng pang-araw-araw namin ng pamilya ko.”

Problema rin niya sa ngayon ang malabo na niyang mga mata.

“Ang totoo niyan, hindi ko na makita. Tinatandaan ko na lang kung saang parte ko ginupitan para hindi masugat.

“Naiiyak pa ako minsan dahil wala akong kinita. Tinitingnan ko iyong apo ko, masakit ang loob ko kasi wala akong maibigay sa kanya, kahit pambili ng biscuit.”

BARBERSHOP NI-RENOVATE

Samantala, kalakip ng pagbisita ng KMJS team ay ang pagpapa-check-up kay Tatay Piping sa rural health unit ng Aparri.

Dinala rin siya sa isang ophthalmologist sa Tuguegarao City para masuri ang kondisyon ng kanyang mga nanlalabong mata.

Continue reading below ↓

Renovation of Tatay Piping barber shop

Tumulong din ang local government unit para maipa-renovate ang kanyang barber shop.

Isang salon sa Manila ang nagbigay ng iba pang gamit sa panggugupit kay Tatay Piping.

The newly renovated barber shop of Tatay Piping

Continue reading below ↓

Masayang-masaya siya at nagkaroon ng bagong sigla dahil sa pagkaka-renovate sa kanyang gupitan.

Umaasa rin siyang mas dadami ngayon ang kanyang customer.

“Basta kaya ko pang bumangon at maglakad, pupunta pa rin ako dito.

“Gusto ko pang kumita ng pera para may pambili ng bilihin at para may ibigay ako sa mga apo ko. Kahit mahirap, tuloy pa rin ako.”

NASAAN NA ANG LUMANG BARBER'S CHAIR?

Samantala, isa sa mga dumayo nang naging viral ang story ni Tatay Piping ay ay si Von Ordoña, isang vlogger na taga-Iloilo City.

Niregaluhan siya ng vlogger ng bagong barber's chair.

Tatay Piping doing a haircut

Continue reading below ↓

Masayang-masaya si Tatay Piping, pero pagtitiyak niya, “Kung may tutulong man sa akin na ipaayos itong shop ko, itong upuan ay maiiwan pa rin sa akin!

“Itong upuan ay para ko nang anak!”

Isa si Von sa mga naghangad ng mas magandang buhay para sa barbero.

Aniya, "Ang ngiti ni Tatay Piping ay nakakapawi ng pagod.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May mga tumulong kay Tatay Piping para maipaayos ang kanyang barber shop, pero di niya itatapon ang lumang barber’s chair. “Mahalaga ito sa akin dahil iyong pera na ipinambili ko dito, e, pera namin ng asawa ko. Kaya hindi ko rin ito pwedeng itapon. Iyong pagmamahal ko sa misis ko ay parang pagmamahal ko na rin sa upuan na iyan.” (Photos courtesy of Von Ordoña)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results