2,000 kilo ng isdang malaga inihaw sa pista ng Buguey, Cagayan

by KC Cordero
Jul 27, 2022
Buguey residents participating in grilling malaga fishes
Para ipakita na isang matagumpay na teknolohiya ang pag-aalaga ng isdang malaga sa Buguey, Cagayan ay sabay-sabay na inihaw ang 2,000 kilo nito sa ihawan na 350 metro ang haba. Target din ng Buguey LGU na mapasama ito sa Guinness World Records. (Photo courtesy of Francis Jorque)

Itinampok ng bayan ng Buguey, Cagayan ang kauna-unahang “longest malaga grill” kasabay ng pagdiriwang ng fiesta na ginanap sa Barangay Centro noong July 26, 2022.

Ang isdang malaga ay isa sa mga produktong ipinagmamalaki ng Buguey.

Grilled malaga fishes

Sabay-sabay na inihaw sa tabing-dagat ang 2,000 kilo ng malaga na umabot sa 350 metro ang haba.

Continue reading below ↓

Ayon kay Mayor Licerio Antiporda, naisip nilang magkaroon ng malaga grill upang ipakita na isang matagumpay na teknolohiya ang pag-alaga ng nasabing isda sa kanilang bayan.

Ayon sa ulat ni Bernadette Heralde ng Cagayan Provincial Information Office, tanging ang bayan ng Buguey sa buong Region II ang may mataas na produksiyon ng malaga.

Umaasa si Antiporda na sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at ng national government ay mas mapapalawak at magkakaroon pa ng hatchery para sa mas maraming harvest at produksiyon ng malaga.

Aniya, sa pamamagitan nito ay masusuportahan din ang food security program ng pamahalaan.

Plano rin ng lokal na pamahalaan ng Buguey na magkaroon ng malalaking freezer para sa imbakan ng isda, at pataasin pa ang produksiyon para maibenta ang malaga sa buong Pilipinas.

Buguey residents participating in grilling malaga fishes

Continue reading below ↓

Target din ng LGU Buguey na mapasama sa Guinness World Records ang ginawa nitong pag-iihaw ng malaga.

Balak din nitong isagawa ang aktibidad taun-taon, at mas pahabain pa ang ihawan.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para ipakita na isang matagumpay na teknolohiya ang pag-aalaga ng isdang malaga sa Buguey, Cagayan ay sabay-sabay na inihaw ang 2,000 kilo nito sa ihawan na 350 metro ang haba. Target din ng Buguey LGU na mapasama ito sa Guinness World Records. (Photo courtesy of Francis Jorque)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results