Tatlong magkakapatid sa Cebu, sabay-sabay nagpakasal

by Mavell Macaranas-Dojillo
Jul 29, 2022
triplets wedding
Sina (L-R) Princess Go at Ken Emoso, Jenny Calledo at RJ Go, at Faye Dominique at James Go ay sabay-sabay ikinasal noong noong July 26, 2022, sa Cebu City.
PHOTO/S: Dave Lepatan from Click ?Smile Cebu via The Freeman

Sabay-sabay na ikinasal ang magkakapatid na sina James, RJ, at Princess Go sa isang pambihirang pagkakataon nito lamang Martes, July 26, 2022, sa Cebu City.

Ayon sa The Freeman, pinakasalan ng magkakapatid na Go ang kani-kanilang partners sa parehong araw bilang katuparan sa hiling ng kanilang ina.

Maging si Rev. Fr. Andrei R. Ventanilla, ang officiating priest na nagkasal kina James at Faye, RJ at Jenny, at Kenneth at Princess sa Saint Joseph the Patriarch Parish, ay hindi maitago ang kasiyahan dahil naging bahagi siya ng masayang pagdiriwang. sa nasabing okasyon.

Ayon sa Facebook post ni Father Andrei nung araw din na iyon, “This is my first time to solemnize a triple wedding of siblings on one occasion.”

“What a beautiful moment to behold! Indeed, the victory of marriage is the victory of the Church!”

Continue reading below ↓

Samantala, salungat sa mga lumabas na headlines, hindi triplets ang magkakapatid.

Nilinaw ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ni John Dave Lepatan, na siyang wedding photographer sa kasal ng magkakapatid.

Sa kabilang banda, marami ang nag-react at nagkomentong sukob ang pagpapakasal ng triplets.

Pero tila hindi alintana ito ng magkakapatid.

Post ng only girl na si Princes: "Ang dami naming bashers, parang sila naman ang gumastos."

Pinatunayan ng Go siblings na “the more, the merrier” lalo na pagdating sa isa sa mga pinaka-importanteng milestone para mga magsing-irog—ang kasal!

Congratulations and best wishes!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina (L-R) Princess Go at Ken Emoso, Jenny Calledo at RJ Go, at Faye Dominique at James Go ay sabay-sabay ikinasal noong noong July 26, 2022, sa Cebu City.
PHOTO/S: Dave Lepatan from Click ?Smile Cebu via The Freeman
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results