Green sea turtle sa Surigao City nalambat; ibinalik din agad sa dagat

by KC Cordero
Jul 29, 2022
The captured green sea turtle
Agad ibinalik sa dagat ang green sea turtle na aksidenteng nalambat ng isang mangingisda sa Surigao City nang matiyak ng mga awtoridad na maayos ang kondisyon nito.

Iniulat ng Surigao del Norte Maritime Police Station (SDN-MARPSTA) ang ginawang pagliligtas at muling pagpapakawala sa dagat sa green sea turtle na nalambat.

Naganap ito bandang hapon ng July 27, 2022, sa Barangay Sabang, Surigao City.

Sa pahayag na inilabas ng SDN-MARPSTA noong July 28, ipinagbigay-alam sa mga kinauukulan ng mangingisdang si Arnold Pama, 55, na may nahuli ang lambat nito na hindi isda.

The captured green sea turtle

Continue reading below ↓

Agad itong sinuri ng mga taga-SDN-MARPSTA at nalamang isa itong green sea turtle.

Ayon sa SDN-MARPSTA, “The marine species is a class of sea turtle which was banned from being traded as declared by the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources [BFAR] in relation to the Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora [CITES] Appendixes.”

Agad sinuri ang nasabing green turtle.

Ibinalik din agad ito sa dagat nang matiyak na maayos ang kondisyon at walang sugat sa katawan.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Agad ibinalik sa dagat ang green sea turtle na aksidenteng nalambat ng isang mangingisda sa Surigao City nang matiyak ng mga awtoridad na maayos ang kondisyon nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results