TRENDING: Napakamahal na presyo ng pagkain sa Virgin Island sa Panglao, Bohol

by KC Cordero
Aug 2, 2022
The breakdown of the prices of food
Matapos mag-trending ang napakamahal na presyo ng pagkain sa Virgin Island, agad umaksyon ang governor ng Bohol para maresolba ang isyu.

Trending ngayon ang Virgin Island sa Bohol dahil umano sa sobrang taas ng presyo ng mga pagkain dito.

Ayon sa post ng isang Vilma Uy, "Ingon ani na diay kamahal ang pagkaon sa Virgin Island, Bohol?”

Ang ibig niyang sabihin, “Ganito ba kamahal ang pagkain sa Virgin Island, Bohol?"

Ikinuwento ni Vilma ang karanasan ng kaibigan niyang turista na nagpaluto ng pananghalian ng kanilang grupo sa Virgin Island.

Pero laking gulat nila nang kunin na ang bill.

Umabot kasi sa PHP26,100 ang naging total ng presyo ng seafood na na-order ng kanyang mga kaibigan.

May breakdown ng presyo ang bawat order, pero nakasulat lang ito sa isang pirasong papel kaya hindi siya official receipt.

Wala umanong nagawa ang mga ito kundi bayaran na lang.

Batay sa mga nakalista sa papel, pinakamahal ang kinilaw na isda, oyster, at scallops na tig-PHP3,000 ang order.

Maging ang saging ay tumataginting na PHP900 ang halaga.

Continue reading below ↓

Pero hindi nabanggit kung ilang tao ang kumain.

Ang pagbisita sa Virgin Island ay bahagi ng island-hopping tour sa Bohol, na kilala sa napakalinis na tubig-dagat at puting buhangin nito.

GOVERNOR NG BOHOL UMAKSIYON

Agad namang umaksiyon si Bohol Governor Aris Aumentado sa isyu.

Nitong August 2, 2022 ay nag-post ang governor sa kanyang Facebook account na inatasan na niya ang Sangguniang Panlalawigan (SP) para imbestigahan ang mga pangyayari.

The governor's reaction

Continue reading below ↓

Ayon pa sa governor, “At saka oportunidad ito para makapagbigay ng tama at matibay na rason at makagawa ang Sangguniang Panlalawigan ng resolusyon o ordinansa na magbibigay ng proteksiyon sa mga turista, na sa matagal-tagal na panahon ay nasasamantala ng ilang mga negosyante sa Panglao.

“Sana ay bigyan natin ng tamang serbisyo at bigyan ng halaga ang ating mga turista bilang mga bisita dahil sila ang nagbibigay ng hanapbuhay ninyo.”

Magpapatawag aniya ng emergency meeting ang provincial government, Department of Environment and Natural Resources, at local government ng Panglao, kasama ang ibang tourism sector na apektado sa mga nangyari.

Bilang ama ng Bohol province, dismayado umano ang governor sa nangyari.

Pagtitiyak niya, “We will fix this! Thank you.”

Ipinag-utos na rin niya ang immediate temporary suspension ng motorbanca trips sa Virgin Island habang isinasagawa ang imbestigasyon.

NAGING TURISTA SA VIRGIN ISLAND, MAY PALIWANAG SA MAHAL NA PAGKAIN

Samantala, may paliwanag naman ang netizen na si Cy James Genelaso sa isyu.

Continue reading below ↓

Ani James, nakapagbakasyon na siya sa isla.

“To be honest, we had been there sa island five years ago, and yes, the price was really high especially for the goods since they have to gather the goods from the mainland pa and need pang i-travel to the island via motorboat.”

Netizen's reaction

Continue reading below ↓

Ito aniya ang dahilan kaya higit pa sa triple ang halaga ng mga pagkain doon.

Paliwanag pa niya, “Also, given the inflation we are experiencing today, prices for ingredients skyrocketed. And as a business owner, you should also adjust the prices of your products para di naman malugi.

“Virgin Island is indeed far from the mainland and di naman pwedeng maliit lang na panindang bibilhin mo sa mainland kaya bibili agad ng wholesale.”

Paalala niya sa mga gustong magpunta sa isla, “So, for those people na gustong pumunta ng Virgin Island at nag-expect ng low prices, think twice or thrice if kaya ba ng budget.

“We should not also criticize the price na meron sa place since they also have to pay for the workers, cook, human resource plus the bills for water, electricity, etc.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos mag-trending ang napakamahal na presyo ng pagkain sa Virgin Island, agad umaksyon ang governor ng Bohol para maresolba ang isyu.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results