Echo, is that you? Kilalanin ang construction worker na look-alike ni Jericho Rosales

by Bernie V. Franco
4 days ago
jericho rosales lookalike
Sino nga ba ang lalaking nag-viral sa social media dahil hawig niya ang dramatic actor na si Jericho Rosales?
PHOTO/S: Pitik ni DenDen Photography and Videography on Facebook / IG MrDavidMillan

Mapapa-second look ka talaga sa mga larawan ng isang lalaking hawig ng dramatic actor na si Jericho Rosales.

Malaki kasi ang pagkakapareho ng mata, ilong, at maging ang buhok ng lalaki sa itsura ni Echo.

Ito ang nag-udyok sa netizen na si Hyobz Perez ng Monkayo, Davao de Oro, na kunan ng larawan ang lalaki na nakita niya sa plaza, at saka ipinost niya ang ito sa kanyang Facebook account noong July 30, 2022.

Dahil dito, naging viral ang mga larawan ng ka-look-alike ni Echo na, at that time, ay hindi pa natukoy ang kanyang pangalan.

At press time, may 10,000 shares na ito.

jericho rosales

Continue reading below ↓

Ang tinaguriang Jericho Rosales ng Monkayo, Davao de Oro, sino nga ba siya? Si Hyobz Perez (pangalawa mula kanan) ang nag-post ng mga larawan ng lalaki na ngayon ay viral na.

Iba’t ibang news media rin ang nag-share ng mga larawan sa kanilang Facebook pages at mataas ang engagements ng mga ito.

Pero sino ba ang tinaguriang Jericho Rosales ng Monkayo, Davao de Oro?

MEET JUNREY BAUG

Sa paghahanap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ng identity ng lalaki, di nagtagal ay nakilala at naka-message namin ang celebrity look-alike.

Siya si Junrey Baug ng Monkayo.

Mensahe niya sa PEP.ph: “I’m Junrey Baug, 29 years old, at construction helper ang trabaho ko.”

jericho rosales lookalike

Continue reading below ↓

Inusisa namin si Junrey kung ano ang reaksiyon niya na marami ang nagsasabing hawig niya si Jericho.

Sagot ni Junrey, hindi na siya nagulat. Hindi na ito bago sa kanyang pandinig.

Sagot niya: “Matagal na, Sir.. Simula pa sa 15 [years old] ang edad ko, marami talaga ang sabi na kamukha ko daw si Echo. Kaya minsan nahiya ako.

“Sobrang masaya,” matipid niyang sagot nang matanong na inihahambing siya sa Kapamilya actor.

jericho lookalike

Continue reading below ↓

Samantala, hindi lang ito ang unang pagkakataon na random na kinunan ng larawan si Junrey dahil sa pagkakahawig niya kay Echo.

Sa comments section, may ibang netizens na nag-post ng stolen shots ni Junrey dahil marahil ay nakitang kahawig siya ng aktor.

THE STORY BEHIND THE VIRAL PHOTO

Samantala, inilahad ni Hyobz ngayong hapon ng Biyernes, August 5, 2022, ang kuwento sa likod ng kanyang viral photo ni Junrey.

Aniya pumunta siya at mga kaibigan sa plaza noong bisperas ng pista ng Monkayo noong gabi ng July 30, 2022.

“As we were staying beside one of the rides in the amusement park, he [Junrey] was recognized by one of my best friends.

“My circle of friends talked with each other na kamukha raw ni Jericho Rosales kahit nakatalikod pa noon.”

Noong una raw ay hindi kumbinsido si Hyobz na look-alike nga ito ng aktor.

“Pero nang aking tinitigan at ninakawan ng litrato, dun ko na napagtanto na para talagang si [Jericho]," sabi ni Hyobz.

Continue reading below ↓

Kaya nagpakuha sila ng larawan kasama si Junrey.

May mga pambabatikos ding natanggap si Junrey sa post ni Hyobz.

Katuwiran ni Hyobz: “Ano ba naman ang inaasahan nila sa isang 'look-alike' lang at taga-probinsya. Di naman talaga 'perfect' di ba?”

Naipadala rin daw kay Hyobz ang mga larawan ni Junrey noong binata pa ito at hindi raw maitatangging hawig nga nito ang aktor.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino nga ba ang lalaking nag-viral sa social media dahil hawig niya ang dramatic actor na si Jericho Rosales?
PHOTO/S: Pitik ni DenDen Photography and Videography on Facebook / IG MrDavidMillan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results