Heto ang resibo! Jechel Fillone, kakaiba ang bitbit na flower bouquet sa graduation

by Bernie V. Franco
Aug 15, 2022
graduate
Inipon at ginawang "flower bouquet" ni ang lahat ng resibo ng perang ipinadala ng mga kapatid para suportahan ang kanyang four years sa college.
PHOTO/S: Facebook (Jechel Fillone)

Hindi bouquet of flowers, kundi bouquet of receipts ang hawak ni Jechel Fillone sa mga larawan sa kanyang graduation day noong July 20, 2022.

Ito raw ay show of appreciation sa kanyang dalawang kapatid na sa loob ng apat na taon ay nagpadala sa remittance center ng pera para sa pag-aaral ni Jechel, taga-Antique.

Ang totoo, ginamit na lang din ni Jechel ang kanyang creativity.

Sa halip kasi na ibili niya ng bouquet of flowers ang natitirang pera, ginamit niya ito para sa pagpapa-make-up at toga niya para sa graduation day.

Umabot sa total na PHP85,100 ang perang ipinadala ng kanyang mga kapatid mula 2018 hanggang 2022.

resibo

Si Jechel ay nagtapos ng Bachelor in Secondary Education Major in English mula sa University of Antique (UA) noong July 20.

Also read:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MGA RESIBO NG TAGUMPAY SA PAGTATAPOS

Sa kanyang FB post, ikinuwento ng dalaga na sinimulan niyang ipunin noon ang mga resibo para matukoy kung magkano ang magagastos niya sa college.

Hindi niya akalaing pagdating ng graduation day, maiisip niyang gawin silang bouquet at maging paraan para ipakita ang appreciation sa mga kapatid.

Viral ang FB post ni Jechel.

Ang perang ipinapalada ng mga kapatid ay hinati sa expenses sa school at sa bahay.

Kinailangan daw nilang maghigpit ng sinturon noon para pagkasyahin ang padalang pera ng dalawang kapatid.

Ani Jechel: “I went to UA under the scorching heat of the sun with an empty stomach because I have no money to pay my fare and to buy myself something to eat…”

Natuto raw siyang mag-budget at binibili lamang ang mga kinakailangan sa school.

“I learned to appreciate any amount that my siblings would give me because, after all, money was not easy to find.”

Aniya pa [published as is], “A collection of the Received Money Form of Palawan Pawnshop Pera Padala with a total of 85, 100…”

graduate

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pangako ni Jechel sa mga kapatid, susuklian niya ang sakripisyo nila kung hindi man sa pera ay sa pamamagitan ng pag-aalaga at pagmamahal.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inipon at ginawang "flower bouquet" ni ang lahat ng resibo ng perang ipinadala ng mga kapatid para suportahan ang kanyang four years sa college.
PHOTO/S: Facebook (Jechel Fillone)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results