Watch Now

Birth certificate of 102-year-old Lola Pulie inaayos na para makatanggap ng PHP100K incentive

by KC Cordero
Aug 23, 2022
Lola Apolinaria Arzaga Sumandal with local officials
Mismong ang Civil Registrar office ng Puerto Princesa City ang nag-ayos ng birth certificate ni Lola Apolinaria Arzaga Sumandal para matanggap niya ang mga incentives bilang living centenarian. (Photos courtesy of City Information Department of Puerto Princesa City)

Posibleng matanggap na ni Lola Apolinaria Arzaga Sumandal, mas kilala bilang Lola Pulie, ang kanyang mga incentives bilang isang living centenarian.

One hundred and two years old na si Lola Pulie, na residente ng Barangay Maruyugon, Puerto Princesa City, Palawan.

Last July 27, 2022 ay personal na inihatid sa kanya nina Acting Assistant City Civil Registrar Hazel Salazar at Rodolfo Valones, pangulo ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) ng lungsod, ang kanyang birth certificate.

Lola Apolinaria Arzaga Sumandal with local officials

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang birth certificate si Lola Pulie, at ayon kay Salazar ay ang civil registrar ang nag-ayos para mabigyan ito sa pamamagitan ng programang mobile registration of birth ng opisina.

Nakatanggap din si Lola Pulie ng PHP10,000 incentive mula sa Puerto Princesa City government.

Ipinaliwanag naman ni Valones na ang PHP10,000 cash incentives sa mga centenarian ay bahagi ng programa ng OSCA, at ng City Ordinance No. 627 o ang Senior Citizen Special Incentives Program na naglalayong mabigyan ng pagkilala at parangal ang mga senior citizen sa Puerto Princesa City na edad 90 pataas.

Priority nito ang mga registred senior citizens sa lungsod.

Ngayong may birth certificate na si Lola Pulie, sinabi ni Valones na pinuproseso na rin ang mga dokumento nito makakapag-apply na sa incentive na ibinibigay naman ng national government na nagkakahalaga ng PHP100,000, alinsunod sa Republic Act 10868, o “Centenarians Act of 2016,” ang batas na nagkakaloob ng dagdag na benepisyo at pribilehiyo sa mga Filipino centenarians.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Lola Pulie ay ipinanganak noong July 23, 1920 sa Brgy. Maringian, Cuyo, Palawan.

Read also:

Meet Lola Segundina Laforteza Quinto, “oldest Citizen in Calasiao

84-year-old cancer survivor, palaban sa zumba sa Nueva Ecija

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mismong ang Civil Registrar office ng Puerto Princesa City ang nag-ayos ng birth certificate ni Lola Apolinaria Arzaga Sumandal para matanggap niya ang mga incentives bilang living centenarian. (Photos courtesy of City Information Department of Puerto Princesa City)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results