Na-rescue ang lion cub na si Lambert noong 2014 ng In-Sync Exotics Wildlife Rescue and Educational Center na nasa Texas, USA.
Ang rescue mission ay pinamumunuan ni Vicky Keahey, na siya ring founder ng nasabing center.
Hindi kagandahan ang kondisyon ni Lambert nang ma-rescue.
Kulang siya sa pagkain. Mas mukha siyang sakiting tuta kaysa makisig na batang leon.
Illegal na nabili si Lambert ng dating may-ari at ginawa siyang pet.
At bigla na rin lang nagdesisyon ang nakabili sa kanya na ayaw na siya nitong alagaan.
Ayon kay Angela Culver, media director ng In-Sync Exotics Wildlife Rescue, sa panayam ng Bored Panda, “The previous owners obtained him illegally as a pet for their young children.
“After a short time, the family decided they could not keep him, so, we were contacted asking if we could take him, which of course we were happy to do.”
Nang dumating sa rescue center ay takot at confused si Lambert sa bagong kapaligiran.
Hindi naman nagtagal ay nasanay na siya sa mga taong nag-aalaga sa kanya sa center.
Natuklasan din ng mga nag-aalaga sa kanya na mas madali siyang patulugin kapag may kumot.
“We had heard from the previous owners that he slept in the bed with the grandfather,” pagbabahagi ni Vicky sa panayam sa kanya ng The Dodo.
“So I got him a blanket, went into the enclosure, and put the blanket in one of the corners. He curled up on that blanket and he went right to sleep.
“Ever since then, I always give him a blanket.”
Naka-recover si Lambert at ngayon ay isa nang makisig na adult lion.
Sa center pa rin siya namamalagi dahil hindi niya kakayanin ang maka-survive sa wild dahil hindi iyon ang nakamulatan niyang buhay.
Nagagawa naman niya ang mga aktibidades na angkop para sa lion kahit na wala siya sa wild.
Kuwento ni Angela, “He has 7,000 sq. ft. worth of space to run around in, which includes a covered den area for shade and protection from the weather and a sunny, grassy playground with the pool he loves to play in.
“He is just like any other two-year-old lion in that he is active, playful, and full of cattitude. You know where you stand with him.”
May “attitude” rin daw ito.
Pinaparamdam niya kung gusto o hindi ang lumalapit na tao.
"If he likes you, you know it, and if he doesn't like you, you know it."
At siyempre, kailangan pa rin ni Lambert ng kumot kapag matutulog na.
Lagi ring may updates ang center sa Facebook page nito tungkol sa kanya.