VIRAL: Grade 7 student sa Bulacan, unicycle ang gamit papunta sa school

by Bernie V. Franco
Sep 16, 2022
grade 7 unicycle
Parang circus act ang ginagawa ng isang Grade 7 student mula sa Bulacan na gumagamit ng unicycle para makapasok sa school. Pero malungkot ang kuwento ng estudyante sa viral video kung bakit ito ang mode of transportation niya sa pag-aaral.
PHOTO/S: Facebook (Jonathan Paa)

Parang circus performance ang ginagawa ng isang babaeng estudyante sa nag-viral na video na ipinost sa Facebook noong September 10, 2022.

Makikita siyang naka-unicycle o bisikletang isa ang gulong.

Naka-school uniform ang bata, nakasakbit ang bag sa isang balikat, at may mga hawak na libro ang kanyang mga kamay.

Buwis-buhay ang pagbibisikleta nito sa kalsada na nakakasalubong ang iba’t ibang uri ng sasakyan.

Hindi madali ang kanyang ginagawa dahil kailangan magaling siya sa pagbabalanse.

Pero hindi ginagamit ng batang estudyante ang unicycle para magpa-impress.

Ito kasi ang kanyang “service” sa pagpasok sa eskwelahan.

Sa ulat ni Jun Veneracion para sa 24 Oras, September 15, tinukoy ang dalagita bilang si Hannamichi, 12 anyos at Grade 7 sa Bulacan.

Maluha-luhang paliwanag ng dalagita, “Kailangan po talagang magtipid kasi po kung magtraysikel lang po pauwi, wala po kaming makain.”

Gamit ang unicycle, inaabot ng kalahating oras o higit pa ang biyahe niya pauwi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE STORY BEHIND THE UNICYCLE

Kuwento ng ama ng bata na si Rogen Lomoljo, kung siya ang masusunod ay gusto niyang ibili ng bike ang anak dahil mas ligtas ito.

Pero hindi sapat ang kinikitia ni Rogen na isang company driver.

“Yun lang din ang kaya ko. Kasi yung bike medyo mahal, e. E, ito mabili ko lang tig-PHP500, PHP400.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin ni Rogen, “Sa totoo lang, Sir, medyo sakit sa damdamin ko na ganon yung ginagawa sa mga bata.

“Lalo na yung nakita ko yung video. Nakita ko yung may bag siya, ‘tapos may dala siya.”

Kinatigan ito ng kanyang misis na si Pinky Lomoljo, na ipinapaliwanag sa kanilang mga anak ang estado ng kanilang buhay.

“Pag sinasabi ko na, ‘Ganito lang kayo, ganito lang muna kasi wala pa,’ pumapayag din sila.

“Wala silang reklamo, kahit si Michi [palayaw ni Hannamichi], wala. Wala kang maririnig na reklamo sa kanila.”

Mismong si Rogen ang nagturo sa anak sa paggamit ng unicycle. Inabot daw sila ng dalawang linggo.

At sa kabila ng ilang beses na pagkakatumba at pagkakasugat ni Hannamichi, nanaig ang kagustuhan niyang maipagpatuloy ang pag-aaral at matulungan ang pamilya balang araw.

THE VIRAL VIDEO

Sa kabilang banda, umani ng magkakaibang reaksiyon ang viral video ni Hannamichi na ipinost ng netizen na si Jonathan Paa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng uploader, madalas niyang makita ang estudyante kaya naisipan niya itong kunan ng video.

May mga nagkomentong sana ay magsuot ng helmet ang bata. May mga netizen na nagtanong sa uploader kung paano ma-contact ang estudyante para abutan ng tulong.

May ibang netizens din ang nagkomentong nakikita rin nila ang bata sakay ng kanyang unicycle sa kanilang lugar.

Tinukoy pa nila ang lugar kung saan nila ito nakikita.

netizen comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

netizen comment

Sumasagot naman ang uploader sa mga nais tumulong. Ibinibigay nito ang detalye ng estudyante via private messaging.

Sa isang update nitong September 15, may nagkomentong netizen na isang Overseas Filipino Worker ang bumili ng bisikleta para sa estudyante at inabutan ng kaunting cash.

May bike na po si Hannamichi.

netizen comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parang circus act ang ginagawa ng isang Grade 7 student mula sa Bulacan na gumagamit ng unicycle para makapasok sa school. Pero malungkot ang kuwento ng estudyante sa viral video kung bakit ito ang mode of transportation niya sa pag-aaral.
PHOTO/S: Facebook (Jonathan Paa)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results