Watch Now

VIRAL: Funny tweets tunkol sa laki ng masasakop ng SM City North EDSA sa year 2045

by KC Cordero
Oct 6, 2022
Location map of SM North Edsa
Mula sa mayamang imahinasyon ng Twitter user na si @marupokpokito, bagaman at fiction ay nagbigay siya ng ilang senaryo kung gaano na kalaki ang SM City North EDSA pagsapit ng 2045. Enjoy naman ang netizens sa kani-kanilang replies.

Hindi bago ang expansion ng malls.

Pero noong October 3, 2022, nag-viral sa Twitter ang post ng may handle na @marupokpokito.

Sabi ng kanyang tweet: “SM North will not stop expanding until all of Quezon City is SM North.”

Patungkol ito sa patuloy na pagpapalawak o expansion ng mall sa mga karatig na area nito.

Tweet of @marupok ito

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FROM SUPERMARKET/DEPARTMENT STORE TO MALL COMPLEX

Ayon sa datos ng SM Supermalls noong May 25, 2021, ang pinakamalaking SM Supermall branch sa buong mundo ay ang SM City North EDSA na nasa Quezon City.

Nagbukas ito noong November 8,1985, at may gross floor area na mahigit 676,000 square meters—o 67.6 na ektarya.

Pero ang tanging tenants nito noon ay ang department store at supermarket—na ang gross floor area ay "23 square meters."

Noong February 1988 itinayo ang The Car Park Plaza o Annex 1. Noong July 1989 naman itinayo naman ang Annex 2 o The Annex.

Ang kinaroroonan ng The Block, na itinayo noong 2006, ay dating open parking space, na ang katabi noong 1990s ay ang Super Sale Club warehouse, na ngayon ay location ng North Towers. Isa sa limang towers nito ay ang Park Inn by Radisson Blu Hotel North EDSA.

Bukod dito, may six-story structure na tinatawag na The North Link, na nagsisilbing opisina ng BPO companies at ilang retail stores.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon din ng Sky Garden.

At posible pa itong madagdagan dahil nga sa patuloy na expansion.

Kaya ang joke ni @marupokpokito sa kanyang sumunod na tweet ay nag-time travel siya: “The year is 2045. The new south south East west wing of SM North opened.

“My living room is in it. I need an SM advantage card to go to my own bathroom.

“There’s a Starbucks inside. I leave my house. I’m still in SM North.”

Pero kahit maging SM North daw ang buong Kamaynilaan, hinding-hindi nito masasakop ang Philippine College of Surgeons, na nasa gitna na SM Annex.

Philippine College of Surgeons

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Great Northern Mall War

Binanggit rin ni @marupokpokito ang karatig mall ng SM North na pagmamay-ari naman ng mga Ayala.

Ang biro pa niya, “I lost many friends in the Great Northern Mall War of the the 2030s between SM and Ayala.

“The Vertis-TriNoma Ayala alliance was poised to defeat the SM powerhouse but fell to infighting and fracturing. In the end, all the northern lands were absorbed into Greater SM North.”

Nag-reply naman sa kanya si @MikeNotMic ng: “I NEED A FAN FICTION BASED ON THIS.”

Sagot ni @marupokpokito, “Vertis. TriNoMa. SM. Fisher. Long ago the four malls lived in harmony. Then, everything changed when SM North Attacked...”

Naiba ang timbre ng usapan nang mag-reply si @lesterles ng (published as is): “As long as it’s generates jobs walang problema.”

Nagsanga-sanga na ang topic at may nagbanggit din ang isyu ng "contractualization" at "underpaid" employees ng SM.

Marami naman ang nagbalik-tanaw sa hitsura noon ng lugar na kinatatayuan ng nasabing mall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sino ang mag-aakala na ang noo'y puro talahib lang na lugar ay magiging prime lot?

Replies to @marupokito

May mga nagsabi namang baka umabot ang SM City North EDSA sa SM Fairview.

Kulang-kulang 18 kilometers ang distansiya sa pagitan ng dalawang malls.

Replies to @marupokito

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At may mga nagbanggit pang baka lahat ng istasyong ng tren ay puro SM Supermalls branches.

Napakalayo ng inabot ng pag-uusap.

Ani @okKaKokey, “This needs a longer book I can read every night.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula sa mayamang imahinasyon ng Twitter user na si @marupokpokito, bagaman at fiction ay nagbigay siya ng ilang senaryo kung gaano na kalaki ang SM City North EDSA pagsapit ng 2045. Enjoy naman ang netizens sa kani-kanilang replies.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results