Rare alpha male Philippine long-tailed Macaque, namataan sa Mt. Apo

by KC Cordero
Nov 12, 2022
Photo of Philippine Long-tailed Macaque
Ang Philippine long-tailed Macaque ay endemic sa ating bansa, at kabilang sa endangered species. (Photo courtesy of Lakaw ni Paw/Sta. Cruz Tourism.)

Ibinahagi ng Sta. Cruz Tourism, ang official tourism Facebook page ng Sta. Cruz, Davao del Sur, ang larawan ng isang alpha male Philippine long-tailed Macaque (Macaca fascicularis philippensis) noong November 9, 2022.

Ito ay endemic sa ating bansa at kabilang sa endangered species.

Ang larawan ay kuha ni Lakaw ni Paw nang mamataan nito ang macaque sa Boulder Face side ng Mt. Apo, Sta. Cruz Trail.

Photo of Philippine Long-tailed Macaque

Mapapansin sa larawan na may kalakihan ang macaque, at napakaganda ng porma ng kanyang bigote, na tipikal na katangian ng lalaking long-tailed macaque. Ang mga babae ay may balbas.

Bagaman at may mga sightings pa ng Macaque sa ibang lugar sa Pilipinas, napaka-rare na makakita ng Alpha Male nito.

Nito lang November 6 ay namataan din ang dalawang macaque sa may highway sa Ternate, Cavite. Namumulot ang mga ito ng itinapong packaging ng mga pagkain sa gilid ng highway.

Photo of Philippine Long-tailed Macaque

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Mayo 15, 2021 ay ibinalik ng Department of Environment and Natural Resources sa natural habitat nito ang isang macaque sa kagubatan ng Barangay Pawikan matapos ang dalawang taon mula nang masagip ito sa Barangay Baso, Cabucgayan, Biliran.

Isa pang macaque ang nakunan ng larawan sa Tagaytay City noong January 21, 2021 habang nanginginain ng bulaklak.

Photo of Philippine Long-tailed Macaque

May nakunan din ng larawan sa Baras, Rizal, noong December 2020.

Naninirahan ang macaque sa mga kagubatan at mga bakawanan.

Noong 2008 ay naitala ito sa International Union for Conservation of Nature bilang “near threatened.”

Inilista ito noong March 11, 2022 bilang “endangered species” sa ilalim ng PCSD Resolution No. 15-521.

Ipinaaalala naman ng DENR-Davao Region sa mga trekkers na huwag lalapitan ang anumang wildlife species. Huwag hahawakan o pakakainin. Huwag sasaktan.

Ipinagbabawal ang manghuli o mag-alaga ng endangered species sa Pilipinas batay sa Republic Act No. 9147, o “An act providing for the conservation and protection of wildlife resources and their habitats, appropriating funds therefor and for other purposes,” na nagkabisa noong July 30, 2001.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Philippine long-tailed Macaque ay endemic sa ating bansa, at kabilang sa endangered species. (Photo courtesy of Lakaw ni Paw/Sta. Cruz Tourism.)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results