Sa halip na papel, dahon ng saging ang ipinagamit sa 50 senior high school students ng West Visayas State University School of Agriculture sa Calinog, Iloilo noong November 9, 2022.
Requirement daw ito ng instructor nilang si Niel Amaca, na isa ring licensed agriculturist.
Ayon sa panayam niya sa Philippine News Agency o PNA kay Niel Amaca, ni-require raw niya ito para sa subject na Agri-120: Post-Harvest Handling and Seed Technology.
Paliwanag ni Niel, “Our topic on our subject was packaging and, as far as I can remember, banana leaves were used as main packaging materials before.
“So, if we listened to the stories of our elders, they used banana leaves to wrap fish, bagoong, and other products.”
Dagdag pa niya, hindi naman araw-araw nagbibigay ng quiz ang isang guro.
“Sometimes once a week and sometimes even none. It [using banana leaves] could be a good strategy to keep your students active in your class.”
Hindi aniya agad naniwala ang mga estudyante sa kanyang sinabi na dahon ng saging ang gagamitin nila.
“They asked me if I am serious and I said 'yes.' We are using banana leaves because later on, I will relate that to our subject.
“And luckily, all of them brought banana leaves.”
Bago ginamit ang mga dahon ng saging ay pinainitan muna ang mga ito para hindi agad mapunit.
Sa loob na rin ng campus kumuha ng dahon ang mga estudyante dahil may banana plantation ang university.
At wala namang epekto sa puno ng saging kahit tanggalan ito ng mga dahon.
Nagkasya rin aniya sa isang section ang isang malaki at malapad na dahon.
Iyon nga lang, hindi tulad ng tunay an papel, ang banana leaves quiz paper ay hindi nagtatagal.
Kaya payo ni Niel sa kanyang mga estudyante, “I told my students to keep them since it is their first time and they are already graduating.”
Ayon sa techxlab.org, isa ang puno ng saging sa mga pinagkukunan ng materials sa paggawa ng papel. Kapag nakuha na ang fibers nito at napatuyo, pinakukuluan ito, hinihiwa, at saka binabanlawan para maka-create ng pulp.
Mula sa nalikhang pulp, makagagawa ng tissue paper, bloating, tracing, writing and printing paper.
Read also: “Anti-cheating hats” na idea ng isang Bicolana professor, nag-trending