Caramel cake na “1% cake at 99% dedication,” pinagpiyestahan ng netizens

by Bernie V. Franco
Nov 23, 2022
caramel cake long dedication
DEDICATION O NOBELA? Agaw-pansin sa social media ang dedication cake na ino-offer ng isang bakeshop sa Project 8, Quezon City dahil game ito sa long-dedication challenge na request ng kanyang customers.
PHOTO/S: Facebook (Pasteleria Manila)

Aliw na aliw ang netizens sa ino-offer na caramel cake ng isang bakeshop sa Quezon City.

Ang promo kasi ng bakeshop, mala-nobelang dedication sa lahat ng sulok ng cake with no extra charge!

Ipinost ng Pasteleria Manila ang caramel cake nila na 10 X 14 ang sukat.

Tadtad ng dedication ang caramel cake na isinulat sa pulido at iba’t ibang kulay na letters gamit ang icing.

“Caramel cake 10x14 with dedication. Yes, there is such a thing, uhuh…” caption ng Pasteleria Manila na located sa 27 Dexter Street., Project 8, Quezon City.

“ESSAY YARN?”

Laugh trip ang mga komento ng netizens.

Siyempre, sunud-sunod ang pagpuri nila sa decorator dahil sa matiyagang paglapat nito ng pulidong dedication kahit sobrang haba.

caramel cake long dedication

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ibang netizens, kanya-kanyang tag sa mga mahal sa buhay nilang pinaparinggan.

“Malapit na birthday ko. Bigyan na kita idea,” parinig ng isang netizen sa kakilala.

“Kung di man lang ganito ang dedication mo, salamat nalang sa lahat,” sabi naman ng isa pa sa kaibigan.

caramel cake dedication

“1% cake 99% dedication,” biro ng isang netizen.

“Nag essay yern,” hirit ng isang female netizen dahil sa tadtad ng dedication ang buong cake.

“Anu toh last will?” komento ng isa pa.

Joke ng isa pa, “Pass your essay in 1000 words ilagay sa one whole sheet of caramel cake.”

caramel cake long dedication

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

caramel cake long dedication

caramel cake long dedication

caramel cake long dedication

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

KUWENTO NG CARAMEL CAKE, nagsimula sa challenge

Samantala, ikinuwento ng bakeshop owner na si Miss Ces Lopez kung paano nagsimula ang pinag-uusapang caramel cake product ng shop niya.

Nagsimula raw ito noong pandemic.

“Nung una, one or two sentences lang, depende sa request ng customers,” sabi niya sa Philippine Entertainment Portal nitong November 23, 2022.

Pero ang ibang customers, hindi raw nakukuntento sa isa o dalawang sentence lang.

“Kapag pino-post namin, mga customer nagre-request ng mas mahaba. Ginagawa namin.”

Nagkaroon daw ng challenge ang customers nila na pahabaan ng dedication.

“Kami naman, ginagawa lang namin yung requests nila,” sabi ni Ces.

Gaano katagal ang inaabot ng pagpuno ng dedication sa kanilang Caramel cake?

“One hour,” sagot ni Ces.

Ang charge nila sa 10x14 caramel cake with dedication ay PHP1,740.

“No charge for the dedication, whether very long or short,” sabi ni Ces.

Dagdag ng owner, kahit sa ibang flavors ng cake ay puwedeng maglagay ng mahabang dedication.

Sabi niya, “Marami na kaming nagawang long dedication sa lahat ng cake namin, hindi lang sa Caramel cake, [pati na rin] Ube cake, Brazo cake din.”

Reminder naman niya sa mga customers na nais mag-order, “At least three days in advance.

“But we can only do one cake with long dedication per day.

“Kung meron na for that day, i-resched sa ibang araw na wala pang long dedication.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DEDICATION O NOBELA? Agaw-pansin sa social media ang dedication cake na ino-offer ng isang bakeshop sa Project 8, Quezon City dahil game ito sa long-dedication challenge na request ng kanyang customers.
PHOTO/S: Facebook (Pasteleria Manila)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results