Kabaong, cremation urn, at formalin major prizes sa Christmas party ng isang asosasyon

by Bernie V. Franco
Dec 6, 2022
ataul christmas party
"BIGYAN NG CASKET!" Ito ang naibulalas ng host na si Tita Kei nang ilabas ang major prizes sa isang Christmas Party na ginanap sa Las Piñas noong December 2, 2022. Pero hindi puchu-puchung ataul ang mga ipina-raffle dahil nagkakahalaga ito ng PHP44,000 hanggang PHP2 million.
PHOTO/S: Facebook (Tita Kei)

Kaliwa’t kanan na ang Christmas parties ng mga kumpanya, associations, at organizations. Lahat ay excited nang manalo sa raffle prizes!

Pero ano ang mararamdaman mo kung ang mga papremyo ay formaldehyde (o formalin) at cremation urn?

Paano kung ang major prize ay ataul?

Ganito ang karamihan sa raffle prizes sa ginanap na Christmas party ng Philippine Mortuary Association (PMA) noong nakaraang linggo.

Ang mga ataul ay inakyat pa sa entablado. Pero hindi puchu-puchu ang mga ito dahil sila ay mamahaling Batesville caskets, na may price range na PHP44,000 to PHP2 million, ayon sa The Philippine Star.

Ang PMA ay ang “premier league of mortuary owners and professionals in the Philippines.”

Hindi pangkaraniwan ang mga ganitong papremyo sa panahon ng Kapaskuhan, pero kung tutuusin ay praktikal ito.

Kuwento nga ng event host na si Tita Kei, maging siya ay nagulantang sa prizes ng PMA.

Si Tita Kei, 30, ay higit isang dekada nang nagho-host, pero first time daw niyang makaranas na mga ataul ang ipina-raffle.

“Actually po, takot po talaga ako sa kabaong, pero dahil ako ang host at kailangan kong i-hype ang mga tao, dedma.

“Pero sobrang sayang experience!” sabi ng events host sa mensahe niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong December 5, 2022.

kabaong christmas party

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang event host na si Tita Kei habang ina-announce ang pangalan ng isa sa winners ng ataul.

Ang three-day event ay isang convention na nagtapos sa Christmas party. Ginanap ito noong November 30-December 2, 2022 sa Woodlane Events Place sa Las Piñas.

Sabi ni Tita Kei, “It's a three-day event po. First and second day, more on presentation ng mga kilalang speaker about business, social media, etc.

“Then third day po, ayun na yung Christmas Party.”

May nakakatawa pang experience si Tita Kei nang tanggapin niya ang hosting gig.

Sabi niya: “Nung unang inalok po sa akin itong event, I thought PMA is Philippine Military Academy.

“Then nung nag-meeting na kami, dun ko na nalaman na PMA is Philippine Mortuary Association, and naloka ako kasi may association pala ng mga nasa funeral industry.”

KABAONG MAJOR PRIZES

Inisa-isa rin ni Tita Kei ang mga pang-patay na prizes.

“Yes po. Una po muna is 20 pieces na marble urn, then formaldehyde,” sagot ng host.

“Halos lahat po ng visitor is medyo may edad na.”

Sa simula ng raffle, ang minor prizes ay appliances.

“Happy naman po lahat ng mga tao,” sabi ni Tita Kei.

“Then nung nag-grand prize na, akala ko nung una, hindi ilalabas yung mga ataul.

“Then sabi ng organizer, mas maganda ilabas at ilagay sa stage.

“Nasabi ko na lang habang inilalabas ang mga ataul is, ‘ILABAS ANG CASKET!’ at ‘BIGYAN NG CASKET YAN!’

“Lahat po sila tawa nang tawa.”

Samantala, sa video na ipinost ni Tita Kei, makikita namang masaya ang mga nanalo at mabilis pang tumatalilis sa entablado kapag natawag ang pangalan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kagaya na lang ng isang winner na umakyat sa stage sabay turo sa napanalunang kabaong at tinabihan pa ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"BIGYAN NG CASKET!" Ito ang naibulalas ng host na si Tita Kei nang ilabas ang major prizes sa isang Christmas Party na ginanap sa Las Piñas noong December 2, 2022. Pero hindi puchu-puchung ataul ang mga ipina-raffle dahil nagkakahalaga ito ng PHP44,000 hanggang PHP2 million.
PHOTO/S: Facebook (Tita Kei)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results