Ang Mabuting Aparador: kakaibang exchange gift idea para sa mga walang pambili ng regalo

by Mavell Macaranas-Dojillo
Dec 23, 2022
ang mabuting aparador
Siyam na taon nang nagpapasaya ng mga tao, lalo na ng mga bata, tuwing Pasko ang The Kind Wardrobe, isang antigong aparador sa isang restaurant sa Q.C.
PHOTO/S: Facebook (Jetro vin Rafael)

Kakaiba ang exchange gift idea ng isang restaurant sa Maginhawa St., Quezon City.

Imbes kasi na idaan ito sa nakasanayang “Kris Kringle” o “Monito, Monita,” ginawa nila ito sa pamamagitan ng “Ang Mabuting Aparador” o tinawag nilang “The Kind Wardrobe.”

Gamit ang isang antigong aparador, hinihikayat ng Van Gogh is Bipolar Restaurant ang mga parokyano nitong magbigay at kumuha ng regalo upang ma-experience ang “joy of sharing & exchanging gifts.”

Ang inisyatibong ito ay naglalayong magpalaganap ng kindness to others.

Siyam na taon na itong ginagawa.

Ang post sa Facebook ng may-ari ng restaurant na si Jetro Vin Rafael tungkol sa Mabuting Aparador, “Maaari kang kumuha ng regalo at mag-iwan ng regalo.”

Ito rin daw ay kanilang iniaalay sa mga nanay na walang pambili ng regalo para sa kanilang mga anak.

Ani Jetro, “Maaari kayong kumuha ng regalo para sa inyong mga anak nang walang kailangang kapalit.

“Magdala lang ng ID ng iyong anak or bumisita kasama sila.”

Hinihikayat din niya ang mga may kakayahan na mag-iwan ng regalo para sa mga kapus-palad.

Patuloy ni Jetro, “If you happen to have extra resources, feel free to leave gifts for The Kind Wardrobe. Will wrap the gifts for you.”

toys ang mabuting aparador

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VAN GOGH IS BIPOLAR RESTAURANT: A MOOD-HEALING SANCTUARY

Ang kakaibang exchange gift idea ay sumasalamin sa mismong konsepto ng Van Gogh is Bipolar Restaurant: pampa-happy ng mood.

Obvious ang unique name nito, alluding to acclaimed Dutch artist Vincent van Gogh’s mental health problems.

Kapansin-pansin din ang interiors ng restaurant, maging ang menu at dishes na gumagamit ng organic products, fresh herbs, at raw ingredients, like cocoa, honey, juice, at iba pa.

Itinatag ni Jetro ang Van Gogh is Bipolar noong 2009.

Ayon sa isang article ng F&B Report magazine noong September 14, 2022, the restaurant’s “quirky interiors and food all revolved around its owner Jetro Vin Rafael’s efforts to live with his bipolar condition.”

Tinalakay din sa article kung paanong na-develop ni Jetro ang menu batay sa pangangailangan ng kanyang life partner na si Robert Alejandro, who is battling colon cancer.

Si Robert ay kilala bilang Kuya Robert, host ng GMA-7's children’s art program Art Is-Kool. Anak siya ng may-ari ng cult-favorite stationery store na Papelmeroti.

Para kay Jetro, ang pagkain ay medicine kaya ang gamit na ingredients sa kanyang resto ay may mood-healing nutrients.

Kuwento niya sa F&B, “Food for me is living medicine and goes beyond just to satisfy a craving.”

Samantala, noong 2021 ay nagdesisyon si Jetro na isara muna ang 11-year-old restaurant upang mag-focus sa kanyang pamilya.

Paliwanag niya, “My priority has always been my family.

“Honestly my pausing had nothing to do with the pandemic.

“I made the decision to stop everything to focus on taking care of my life partner of 20 years.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“To be given the opportunity to spend more time with a loved one is a rare gift itself.”

Makalipas lamang ang isang taon, muli niya itong binuksan sa publiko.

van gogh is bipolar restaurant

Kailan lamang ay nagbukas din sila ng branch sa UP Food Hub sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City.

Kumpara sa nakalipas na interior design ng dating Van Gogh is Bipolar, mas maliwanag ang kanyang mga restaurants sa ngayon, adorned with wood furniture that features Filipino craftsmanship mixed in with the owner’s travel collections.

Pero naiba man ang design ng interiors, hindi nagbabago ang image ng restaurant bilang isang “mood-healing sanctuary.”

Diin ni Jetro, “It empowers every single being to celebrate thy greatness as we celebrate thy imperfections.”

“[It] is a safe place where acts of unconditional love is a tangible experience.”

Ito ang kanilang naging inspirasyon kaya inilunsad noon “Ang Mabuting Aparador” sa tuwing sasapit ang Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Siyam na taon nang nagpapasaya ng mga tao, lalo na ng mga bata, tuwing Pasko ang The Kind Wardrobe, isang antigong aparador sa isang restaurant sa Q.C.
PHOTO/S: Facebook (Jetro vin Rafael)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results