Umalis na si Pamarayeg III, ang juvenile Philippine eagle, sa lugar kung saan ito na-hatch sa Cinchona Forest Reserve, Mt. Kitanglad, Bukidnon.
Noong December 5, 2022 ay nagbigay ng update si HenricK Tan, miyembro ng Wild Birds Photographers of the Philippines, at isa sa masugid na sumusubaybay sa development ni Pamarayeg III mula nang matuklasan ito sa nasabing forest reserve.
Ang bahagi ng Facebook post ni Henrick, “I heard the good news that it [Pamarayeg III] had fledged.
“Praying and hoping it will propagate and live a full life.”
September 12, 2022 nang namataan at nakunan ng mga larawan si Pamarayeg lll ng mga miyembro ng grupong Wild Bird Photographers of the Philippines.
Si Pamarayeg lll ang ikatlong inakay ng Philippine eagle na namataan sa nasabing spot sa Bukidnon, kaya may “lll” sa kanyang pangalan.
Ang “pamarayeg” naman ay hango sa Cebuano dialect na nangangahulugang “naglalambing.”
Mula nang makita si Pamarayeg lll, inakala ng mga eksperto ng Department of Natural Resources (DENR) na mamumuhay ito nang mag-isa, at aalis na sa lugar kung saan na-hatch dalawang linggo matapos ito makita ng grupo ng WBPP.
Ito raw kasi ang gawi o cycle ng Philippine eagle.
Pero ayon sa post ni Loel Lamela noong October 7, sa WBPP Facebook group, nasa nasabing spot pa rin si Pamarayeg lll at dinadalhan pa ng pagkain ng parents nito.
Sabi sa post ni Loel, “It's now more than four weeks since Pamarayeg III [P3] has fledged but continues to remain within the vicinity of the nest.
“According to Blacky, DENR's resident expert and forest ranger in the area, as soon as the parent eagles determine that P3 is strong enough to fly and hunt on its own, the parents will push P3 out of their forest.”
Hanggang noong November, nanatili si Pamarayeg III sa lugar.
Inalala naman ni Rojean Marcia, isa ring bird enthusiast, ang nakakabahalang karanasan niya sa pagkuha ng mga larawan ni Pamarayeg III noong October 21.
Ani Rojean sa kanyang Facebook post noong December 10, “After having followed the bird everywhere it perched and taken photos, there was a loud noise, cracking branches, and rustling leaves.
“A gang of rushing monkeys was swinging towards the tree. I didn’t notice until the guide, Mr. Emiliano Lumiston, pointed out that the monkeys were nearing the juvenile bird.”
Nakita umano niya ang pangamba sa mukha ng guide na mas kilala bilang si Manong Blacky.
“He was extremely quiet. You see, the bird was so young. It did not know how to hunt yet and apparently, the monkeys wanted it for breakfast!”
Ngunit tila handa naman umano ang inakay na Philippine eagle sa ganoong sitwasyon.
“Pamarayeg III looked at the monkeys, made a series of calls, looked at the monkeys again, and flew to another tree after some time.
“Manong Blacky, the guide breathed a sigh of relief.”
Ayon pa kay Rojean, “It was important that this eagle survived because Philippine eagles lay only one egg in two or three years.”
Sa obserbasyon ng mga Philippine eagle experts, isang female si Pamarayeg III.