Meet Jeff Cuizon, board passer na sinunod “lahat ng pamahiin” sa pulang underwear, berdeng kandila, atbp.

by Bernie V. Franco
Jan 13, 2023
jeff cuizon board passer pamahiin
“Bumili ako ng maraming green o berdeng kandila na sisindihan sa tatlong araw na exam ko, mula alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng gabi," isa lang ito sa mga pamahiin ni Jeff Cuizon, na pasado sa Agriculturist Licensure Exam noong December 2022. (Right photo) Tatlong pulang briefs, green rosary, bracelet na may cross, at mga berdeng kandila na pampasuwerte raw.
PHOTO/S: Jeff Cuizon

Nagsindi ng mga berdeng kandila, bumili ng mga pulang underwear, nagsuot ng rosaryo, bumisita sa mga simbahan, at iba pa.

Ito ang mga pamahiing kasama sa paghahanda ni Jeffsbor “Jeff” G. Cuizon para sa Agriculturist Licensure Exam noong November 2022.

Kuwento ni Jeff from Leyte sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Lahat ng pamahiin na sinunod at ginawa ko when I took the licensure exam.”

Katuwiran niya, wala namang mawawala kung susundin niya ang mga pamahiing ito, on top of his matinding pagre-review.

Hindi naman siya nabigo dahil kasama ang pangalan niya sa listahan ng board passers na inilabas noong December 2022.

underwear candles lucky charms

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatlong pulang underwear, rosaryo, bracelet na may krus, at mga berdeng kandila ang mga pampasuwerte raw ng isang estudyante sa kanyang board exam.

Isa si Jeff sa mga naghangad na maging licensed agriculturist para makapagtrabaho at matulungan ang pamilya.

Pero alam niyang kailangan ng dedikasyon, sakripisyo, at dasal para makapasa sa board.

Nangamba rin noon si Jeff na baka nakalimutan na niya ang mga pinag-aralan dahil 2018 pa siya nag-graduate sa Visayas State University sa Villaba, Leyte.

After graduation kasi, nagtrabaho siya agad sa kanyang bayan sa Kananga, Leyte.

At para masigurong papasa siya sa exam, wala siyang pinalampas na review, maging pamahiin.

Idinetalye niya sa PEP.ph ang kanyang mga paghahanda para sa exam.

RELIGIOUS PRACTICES: PAGPUNTA SA SIMBAHAN, PAGSINDI NG BERDENG KANDILA

Una sa lahat, bumisita ni Jeff sa maraming simbahan.

Nagsindi siya ng berdeng kandila sa Simala Shrine sa Sibonga, Cebu, na dinarayo ng mga board takers.

Sa naturang simbahan din niya binili ang kanyang green rosary na hindi tinanggal ni Jeff sa kanyang bulsa during the three-day board exam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pumunta rin siya sa Sto. Niño de Cebu.

Paliwanag niya: “It is also well-known na dasalan ng lahat na mag-ti-take ng board exam, at talagang tutuparin talaga ang kahilingan mo.”

PRIORITIZING THE REVIEW

Gayunpaman, hindi lang sa pananampalataya kumapit si Jeff. Sinabayan niya ito ng gawa.

1. REVIEW WHENEVER THERE'S A CHANCE

Nag-enroll siya sa dalawang review centers—may online review at face-to-face review “para madami ding mapagkukunan ng idea.”

Kilala ang dalawang review centers na nakakapag-produce ng topnotchers at board passers.

Maging ang review session na in-offer ng kanyang alma mater ay hindi rin niya pinalampas.

Ke malayo ang biyahe o mainit ang panahon o malakas ang ulan, walang makapipigil sa kanya para mag-review.

“It will not stop me from reaching my dream to become a license holder,” ani Jeff.

2. FOCUS AND FIND THE BEST TIME TO REVIEW WITHOUT DISTRACTIONS

Pagdating naman sa bahay, mas gusto ni Jeff na mag-review sa madaling araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya, “You should always find your comfort review time, kung saan sa tingin mo epektibo yung pagsi-self review mo.”

May trabaho si Jeff nung panahong siya ay nagre-review, pero isang buwan bago siya nag-board, nag-file siya ng leave sa trabaho para makapag-focus.

Ang lahat ng kanyang effort ay sinabayan niya ng pagdarasal na sana ay lumabas sa pagsusulit ang mga pinag-aralan niya.

Base sa sariling karanasan, ang payo ni Jeff para sa mga nagre-review: “Invest yourself to any sort of avenue na maaaring makatulong sa pag-take mo ng exam mo.”

PAGSUNOD SA MGA PAMAHIIN

Isang linggo bago ang exam, “Bumili na ako ng mga bagay na may kinalaman at kakailanganin sa ‘PAMAHIIN’ ko,” ani Jeff.

1. MAGSINDI NG GREEN CANDLES.

“Bumili ako ng maraming green o berdeng kandila na sisindihan sa tatlong araw na exam ko, mula alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng gabi.

“Araw-araw yun nakasindi, at bawal na bawal po na mamatay ang apoy, unless tapos ka nang mag-board exam sa araw na iyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naki-cooperate ang kanyang mga kapamilya na nasa bahay, at binantayan ang mga berdeng kandila para siguraduhing hindi mamatay ang mga ito.

2. MAGSUOT NG RED UNDERWEAR.

“Bumili rin ako ng red brief or red underwear kasi sabi nila lucky charm po ito.”

Pinroblema pa noon ni Jeff na wala siyang mabiling red underwear dahil out of stock.

Kakatapos lamang noon ng Licensure Exam for Teachers kaya maraming board takers na, gaya niya, ay nagsuot din ng red underwear. .

“Pero buti na lang sinipagan kong libutin ang buong siyudad ng Ormoc makabili lang ng tatlong pulang underwear," sabi ni Jeff.

“Suut-suot ko talaga iyon sa loob ng tatlong magkakasunod na araw ng exam dahil I believed lucky charm po talaga."

jeff cuizon board passer pamahiin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

3. DALHIN ANG MGA LUCKY CHARMS.

Mayroon siyang bracelet na cross na binili niya sa “milagrosong” Hanginan Church sa Southern Leyte.

"Every time nahihirapan akong magsagot, tinitingnan ko ang bracelet ko na iyon at sinasabi ko sa sarili ko na, ‘Lord, tulungan Niyo po akong makasagot at Ikaw na ang bahala sa pangarap ko.'”

Hindi rin daw kinalimutan ni Jeff na ipagdasal bago at pagkatapos ng pagsusulit na sana ay masagutan ang mga tanong at makapasa sa board exam.

4. HUWAG LILINGON.

May isa pang pamahiin na ginawa si Jeff nang matapos ang huling araw ng exam.

“After sa exam din po, pauwi, papunta sa tinutuluyan ko, hinding-hindi talaga ako lilingon pabalik sa exam room ko, kahit pa tawagin ako ng proctor o mga kasama ko…

“Dahil may kasabihan na kapag lilingon ka pabalik, ibig sabihin nun babalik ka at mag-e-exam ulit.”

THE RESULT

Hindi nabigo si Jeff dahil kasama ang pangalan niya sa mga pasado sa Agriculturist Licensure Exam na inilabas noong December 8, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Jeff, nasa tao raw kung maniniwala o hindi sa mga pamahiin.

Sundot niya, “Mag-aral lang nang mabuti, take every opportunity na ibinigay ni Lord, and above all, pray hard that you will be guided by His grace and blessings, and you will successfully pass the licensure examination.”

Panghuling mensahe ni Jeff, “Sa ngayon po, sa awa ng Maykapal, magiging licensed agriculturist na ako, at excited nang manumpa o mag-oath taking ngayong Enero 14, taong 2023 sa lungsod ng Pasay sa Maynila.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Bumili ako ng maraming green o berdeng kandila na sisindihan sa tatlong araw na exam ko, mula alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng gabi," isa lang ito sa mga pamahiin ni Jeff Cuizon, na pasado sa Agriculturist Licensure Exam noong December 2022. (Right photo) Tatlong pulang briefs, green rosary, bracelet na may cross, at mga berdeng kandila na pampasuwerte raw.
PHOTO/S: Jeff Cuizon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results