Pinoy dad’s "toilet flush gender reveal" draws mixed reactions

by Bernie V. Franco
Jan 13, 2023
toilet flush gender reveal
Tinawag na "worst gender reveal" ng ilang foreign media ang gender reveal ng isang Pinoy dad na ginamit ang toilet bowl. Samantala, natawa naman dito sina Angelica Panganiban, Sheena Halili, Jerald Napoles, at iba pa.
PHOTO/S: Banong delos Angeles

Umani ng mixed reactions mula sa foreign media sites at vlogs ang isang tatay sa Pilipinas dahil sa kanyang kakaibang gender reveal.

Bagong Taon, January 1, 2023, ipinost ng content creator na si Urbano “Banong” delos Angeles ang “low-budget gender reveal” sa kanyang Facebook account.

Isinabay niya ito sa New Year celebration ng buong pamilya.

Sa Facebook video, tinanong ni Banong isa-isa ang mga kasama sa bahay kung boy o girl ang hula nila.

Pagkatapos ay niyaya ang lahat na magtungo sa maliit na comfort room (C.R.) ng bahay.

Ang C.R. ay pinalamutian ng pink at blue na foil curtains sa pader at balloons sa sahig.

Ipinaliwanag ni Banong na ipa-flush niya ang toilet bowl, at ang kulay ng tubig ang gender reveal ng kanyang magiging anak: pink kung babae at blue kung lalaki.

Pag-pindot ng flush button, lumabas ang kinulayang tubig na blue, indikasyong lalaki ang gender ng baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

toilet flush gender reveal

FOREIGN MEDIA OUTLETS AND LOCAL CELEBritieS

Umani ng iba-ibang reaksiyon ang kakaibang gender reveal na ito na pinick-up ng media outlets, gaya ng Daily Mail at New York Post.

Sunud-sunod din ang post ng foreign vlogs at FM stations, at may ilang artikulo na tinawag itong “worst gender reveal” habang ang iba naman ay inilarawan itong “less classy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hindi naman lahat ay negatibo.

Isang satirical Instagram account (Kabulastugan) ang nag-repost ng toilet-flush gender reveal.

Sinakyan ito ng ilang artista at celebrities, tulad ni Angelica Panganiban, na biniro ang partner niyang si Gregg Homan na gayahin nila ito sa gender reveal ng kanilang next baby.

Natawa naman sina Jerald Napoles, Gretchen Fullido, Sheena Halili, at Jay Gonzaga.

celebs toilet flush gender reveal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinawag na "worst gender reveal" ng ilang foreign media ang gender reveal ng isang Pinoy dad na ginamit ang toilet bowl. Samantala, natawa naman dito sina Angelica Panganiban, Sheena Halili, Jerald Napoles, at iba pa.
PHOTO/S: Banong delos Angeles
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results