Deboto ng Poong Nazareno, nagmistulang “sampayan” bitbit mga panyo at face towel ng mga kapitbahay

by Mavell Macaranas-Dojillo
Jan 14, 2023
deboto nazareno sampayan
Agaw-eksena si Froilan Punzalan (kanan) sa dami ng kanyang mga dalang panyo at face towel nang pumunta sa "Pagpupugay" ng Itim na Nazareno noong January 9, 2023.
PHOTO/S: GMA News

Standout si Froilan Punzalan ng Cavite kahit napapalibutan siya ng daan-libong deboto na dumayo sa "Pagpupugay" sa Pista ng Poong Hesus Nazareno noong Lunes, January 9, 2023.

Nagmistulang “sampayan” kasi si Froilan sa dami ng mga panyo at face towel na ipinadala ng kanyang mga kapitbahay upang ipahid sa imahe ng Poon.

Ang nai-post na picture ng deboto sa Facebook account ng GMA News ay pinagpiyestahan ng netizens.

Sa kasalukuyan, mayroon na itong mahigit 27,000 reactions at 4,000 comments.

Komento ng isang netizen, “Di ko alam kung sampayan o deboto”

Ayon naman sa isa pa, “Kala ko labahan”

deboto sampayan

Inihalintulad ng isang netizen si Mang Froilan sa nausong “pasa-buy” o pasabay na magpabili.

Anang netizen (published as is): “parang pasa buy lang pinasabay na pati mga kapitbahay”

Nai-relate naman ng isa pa si Mang Froilan sa Miss Universe pageant.

Biro nito: “Akala ko National Costume! Miss Universe season na talaga.”

Meron namang hindi natuwa dahil tinamad ang mga kapitbahay na nagpasabay ng kanilang mga panyo at tuwalya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

nazareno deboto sampayan

deboto nazareno sampayan

Mayroon ding nagpakita ng paghanga sa matanda.

Sabi niya (published as is), “God bless u lolo nway bgyan kpa ng poong hesus nazareno ng kalakasan upang s mga sususnod pang prosesyon ay naroon ka... Po”

Papuri ng isa pa (published as is), “Atleast my isang tao ang nagsakripisyo pra sa mga kpitbhay nya bibihira lang un ganun”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

nazareno comment

nazareno comment

MASIDHI ANG PANANAMPALATAYA NG MGA DEBOTO NG NAZARENO

Isa lamang ang larawan ni Mang Froilan sa samu’t saring eksena ng mga deboto.

Sa report ng gmanetwork.com, may dumating na naka-costume ng Running Spiderman PH.

Sina Nindy Andaya at Dionisia Andaya Bunayog naman ay sampung taon na sa kanilang panata. Si Nindy ay nakasanayan na ang paglalakad nang walang sapin sa paa bilang pagpapakita ng kanyang pananamplataya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang 30 anyos na si Gerald Jayme naman, bagama’t nakasaklay, hindi pinalagpas ang pagkakataong makalapit ulit sa imahe ng Poon. Ala-una pa lamang ng madaling araw ng kapistahan ay nasa Quirino Grandstand na siya upang manalangin.

Ibang-iba sa nakasanayang pagdiriwang ang kapistahan ng Poong Hesus Nazareno sa taong ito sanhi ng COVID-19 pandemic, pero hindi pa rin nagpaawat ang mga deboto na makibahagi sa selebrasyon.

Imbes na pagpapahalik, nagsagawa ng "Pagpupugay" ang simbahan kung saan pinayagan ang publiko na mag-venerate at mahawakan ang imahe ng Poong Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand.

Kapalit naman ng Traslacion ay ang “Walk of Faith,” kung saan dinaanan ng mga deboto ang karaniwang ruta na nagsimula sa Quirino Grandstand.

Narito ang mga kalyeng binagtas ng mga deboto sa loob ng dalawa at kalahating oras:

  • Grandstand / Parade Grounds
  • Katigbak Road
  • Padre Burgos Street
  • Jones Bridge
  • Dasmariñas Street
  • Sta. Cruz
  • Palanca Street
  • Quezon Blvd.
  • Arlegui Street
  • P. Casal Street
  • Concepcion Street
  • Carcer Street
  • Hidalgo Street
  • Bilibid Viejo/ G. Puyat Street
  • Guzman Street
  • Hidalgo Street
  • Quezon Blvd.
  • Palanca Street
  • Villalobos Street
  • Quiapo Church

Ang Pista ng Poong Itim Na Nazareno ay isa sa mga pinakamalaking religious events ng mga Katoliko sa Pilipinas.

Sa ulat ng balita.net.ph, nasa 246,250 katao ang dumagsa sa Quiapo Church, habang 122,160 naman ang nagtungo sa Quirino Grandstand.

Halos 90,000 katao naman ang nakibahagi sa Walk of Faith.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Agaw-eksena si Froilan Punzalan (kanan) sa dami ng kanyang mga dalang panyo at face towel nang pumunta sa "Pagpupugay" ng Itim na Nazareno noong January 9, 2023.
PHOTO/S: GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results