TRENDING: Boyfriend siningil ang girlfriend sa half ng presyo ng engagement ring

by KC Cordero
Jan 16, 2023
Photo of a man proposing to his girlfriend
Pagkatapos ng nakakakilig na marriage proposal, na-shock ang girlfriend nang sabihin sa kanya ng boyfriend na bayaran nito ang kalahati sa presyo sa engagement ring.

Isang couple sa Taiwan ang nagkakaproblema ngayon sa relasyon.

Hindi third party ang dahilan, kundi, believe it or not, ang kanilang engagement ring.

Matapos kasing mag-propose ng boyfriend sa kanyang girlfriend, agad din nitong sinabi na paghahatian nila ang ibinayad niya sa mamahaling singsing.

Ang kakaibang kuwentong ito ay unang ibinalita ng South China Morning Post noong January 3, 2023.

Hindi pinangalanan ng Hong Kong-based newspaper ang couple.

Ayon sa balita, ibinahagi sa social media ng girlfriend na apat na taon ng stable ang relasyon nila ng boyfriend.

Lagi silang hati sa mga gastusin, kahit sa maliliit bagay, gaya ng bottled water.

Nirerespeto umano niya ang ugali ng boyfriend pagdating sa pera. Tanggap niya kung paano nito mina-manage ang kanilang finances.

Nang araw na mag-propose ang boyfriend sa kanya, nakatanggap siya ng diamond ring.

Kaharap pa nila noon ang mga kaibigan, kaya kinilig siya ng todo.

Nang nagsi-uwian na sila, sinabi sa ng boyfriend ang halaga ng singsing: NT$150,000 (PHP268,662.10).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At dahil hati sila sa lahat ng gastos, ang kalahati ng halaga ng engagement ring ay PHP134,331.05.

Nang itanong umano ni girlfriend kung bakit kailangang may share siya sa engagement ring, ang sagot ni boyfriend, ang marriage ay para sa dalawang tao—at dapat ay laging hati sa lahat ng bagay.

Tila sa pagkakataong ito, dismayado ang girlfriend. Mula noon, lumamig ang kanilang relasyon.

Hindi na binabanggit ng boyfriend ang “cost sharing” plan. Hindi na rin isinuot ng girlfriend ang engagement ring.

Naging tampok ang isyu sa mga talakayan sa online community ng China.

Ayon sa isang netizen, “Men who can’t afford to spend money on you really don’t want you in the first place.”

Netizens' comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para naman sa iba, malinaw sa girlfriend na gusto ng boyfriend na lagi silang hati sa lahat ng gastusin.

Kaya dapat daw mag-isip-isip si girlfriend kung gusto pa ba niyang pakasalan ang boyfriend dahil sa insidenteng ito.

Komento ng isang netizen, “He picked the diamond ring, he picked the price, you had absolutely no choice in the matter.”

Biro pa ng isa, “After being proposed to, you instantly went NT$75,000 [PHP134,331.05] into debt.”

Dagdag na biro ng isa pang netizen, “From now on, you only brush the right half of the toilet and let him brush the left half.”

May nagpaalala rin sa kanya na maraming aspeto sa married life na hindi kailangang hati sila.

Sabi ng netizen, “Will you have to pay for the birth of a child in the future? The cost of maternity check-ups, hospitalization, and monthly fees?

“And what about the discomfort of pregnancy, body transformations, labor pains, and post-natal breastfeeding? Will he convert it all into cash for you?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinakamarami naman ang nagpayo sa girlfriend ng: “Give him the ring back and dump him.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng nakakakilig na marriage proposal, na-shock ang girlfriend nang sabihin sa kanya ng boyfriend na bayaran nito ang kalahati sa presyo sa engagement ring.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results