Ano kaya ang laman ng Facebook newsfeed kung tayo ay nasa era mula 1521-1898?
Ito ang challenge na ipinost ni Gerome Valdez, miyembro ng Homepaslupa Buddies 3.0, isang public FB group na sa kasalukuyan ay may 1.1 million members.
Ang post niya, “Pretend this is Facebook in 1521-1898”
Game namang sumabak sa challenge na ito ang netizens dahil ipinamalas nila ang kanilang pagiging witty, funny, at creative na iniugnay sa historical events.
Marahil sa pagiging popular ng social media sa daily life natin kaya naisipan ni Gerome ang ganitong challenge.
Sa dami ng kumasa sa challenge, ang post ni Gerome ay mayroon nang 141,000 funny reactions, 43,000 comments, at 82,000 shares.
Ang period ng 1521 hanggang 1898 ay panahon ng pagkakadiskubre ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas (March 17, 1521) hanggang sa iproklama ni General Emilio Aguinaldo ang Philiipine independece (June 12, 1898).
Na-curious din ba kayo kung ano ang posibleng datingan ng Facebook posts kung buhay na ang social media platform noon?
SI MAGELLAN AT SI LAPU-LAPU
Ilan sa mga nakakatawang comments ay tumutukoy sa mga character nina Magellan at Lapu-Lapu.
Si Lapu-Lapu ang datu sa Mactan noon na hindi nagpagapi sa grupo Magellan.
Mayroong nag-comment ng isang litrato ng Google Maps na nagpapakita ng tatahaking ruta ni Magellan patungong Pilipinas na kabilang sa tinaguriang “spice island” noon.
Ganito raw ang lalabas na status sa FB post ni Magellan: “Ferdinand Magellan is traveling to Spice Island from Spain”
"Google Maps pin location," hirit ng isa pang netizen.
Ang isang comment naman ay tila ba isang pagsulpot ng throwback photo sa kunwari'y Facebook account ni Magellan, ang Portuguese explorer na nasawi sa Battle in Mactan.
Anito, “You have memories to look back with Antonio Pigafetta, Lapu Lapu and others”
Si Pigafetta ang Venetian scholar at explorer na isa sa mga kasamahan ni Magellan sa kanyang expedition sa Pilipinas.
Nakabalik pa sa Spain si Pigafetta dahil nasugatan lamang ito at hindi namatay sa makasaysayang Battle of Mactan noong April 27, 1521.
Ang isa naman ay patungkol sa posibleng pagbebenta umano ni Lapu-Lapu ng kanyang itak. Narito ang kabuuan ng comment, published as is:
“FS [for sale]: Itak
“Condition: Good as new (Used only once in the Battle of Mactan)
“RFS [reason for selling]: Got a new sword from a Spanish soldier - Lapu2”
PHILIPPINE HEROES PERSONIFIED
Maraming malilikot ang imahinasyon ang nag-focus sa posts tungkol sa mga pinaka-kilalang tao noong mga panahon na iyon.
Sino pa kundi ang ating mga bayani na nakipaglaban sa mga Kastila upang makamit ang kalayaan tulad nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Apolinario Mabini.
Pero imbes na tungkol sa kabayanihan, karamihan ng comments ay nakatuon sa kanilang mga personal na buhay.
Ang ilang netizens, pinagdiskitahan ang love affair nina Jose Rizal at Josephine Bracken, ang naging asawa ng ating national hero.
Sabi ng isa, kung may Facebook noon, maaaring ang ilan sa mga post ng bayani: “Feeling loved - with Josephine Bracken and 8 others”
Malinaw na tinukoy dito ng netizen ang iba pang babaeng minahal noon ni Rizal.
May isa naman na gumawa ng isang advertisement para sa mga nais sumali ng KKK o ang Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, na pinamumunuan ni Andres Bonifacio.
Narito ang nakakatawang imaginary advertisement ni Bonifacio: “Gusto mo bang kumita kahit nasa bahay lang?
“Open minded ka ba sa business?
“Pwede part time o full time.
“Pwede sa mga studyante, magsasaka at tambay.
“Ano pang hinihintay mo, sumali ka na sa KKK.
"Kataas taasang, Kagalang galangang mga Kaseswang".
“Magrerecruit ka lang kikita ka na agad!
Free seminar hosted by the founder, the one and only - Andres B.
"Dating magsasaka ngayoy nakikibaka".
May nag-post din sa posibleng profile picture ni Gabriela Silang na sakay ng kanyang kabayo.
Ang reply ng isang netizen, “Gabriela silang san ka punta digmaan, road trip horse horse”
Ang isa naman, kunwari ay nag-update ng profile picture si Gabriela at ginamit ang nakasinding kandila with black background, na mahihinuhang noong panahong namatay ang asawang si Diego Silang.
Nakalagay pa sa ilalim ng larawan ang “c.1763.”
May 28, 1763 nang binisita nina Miguel Vicos at Pedro Becbec ang kaibigan nilang si Diego sa Casa Real sa Vigan, Ilocos Sur, at pataksil nilang binaril kapalit ng pabuya mula sa mga Espanyol.
FOR SALE: KARWAHE, OOTD, EDSA TRAFFIC, ATBP
May comments ding iniakma sa buhay ng mga ordinaryong tao noon.
May nagbebenta ng karwahe, may nag-post ng OOTD gamit ang larawan ng isang babaeng naka-baro’t saya.
Mayroon ding mga nag-post ng tungkol sa traffic sa Balintawak sanhi ng banggaan ng mga karwahe at kalesa.
Mayroon ding nag-post ng comment na tila ba naghahanap ng Grab ride. Narito ang ilan:
“Looking for a Kalesa
“PU [pick-up]: Fort Santiago
“DO [drop-off]: San Sebastián Church
“Fare: 2
“Now na po”
Ang isa pang funny comment: na-bad trip dahil wala itong ma-book na kalesa via Grab.
Ganito kunwari ang FB status: "Bad trip, walang ma-book na kalesa! Ano na Grab?"
Natawa din ba kayo? Sa taba ng utak ng mga Pilipino, mapapakamot ka na lamang ulo.