VIRAL: Estudyanteng si Drink Water Rivera, laging natatawag sa recitation: "Nakakakaba po."

by Bernie V. Franco
Jan 17, 2023
Drink Water Tivera unique name
Ani Drink Water Rivera, ilan sa disadvantages ng kanyang kakaibang pangalan ay prone to bullying at maging laughing stock. Pero advantage naman daw ito dahil madali siyang matandaan ng mga tao.
PHOTO/S: Tapatan ni Tunying / Drink Water Rivera

Normal lang sa mga magulang na mag-isip ng pangalang espesyal o makabuluhan para sa kanilang anak.

Maaaring pagsamahin ang pangalan ng parehong magulang, isunod sa name ng taong espesyal, o kaya ay pumili ng pangalang may magandang kahulugan.

Read: Netizens, napa-react sa baby names na mala-DOTA characters at Wi-Fi passwords

Ang pangalan kasi ang dadalhin ng isang tao mula pagkasilang hanggang sa kanyang hukay.

Pero may mga pagkakataong di pangkaraniwang pangalan ang ibinibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Tulad na lamang ng pag-viral ni Drink Water T. Rivera, 22, fourth-year Communication student sa Far Eastern University.

Para kay Drink, ang kanyang pangalan ang “SEXIEST NAME,” ayon sa Facebook post niya nitong January 13, 2023.

Nag-viral siya matapos i-post ng iba’t ibang media outlets at vlogs sa kanilang social media accounts ang kuwento sa likod ng kakaiba niyang pangalan.

Ang ina ni Drink ang nakaisip ng unique name noong nagli-labor ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di raw po makahinga mommy ko kapag walang tubig sa katabi at kapag hindi nakakainom ng tubig," kuwento ni Drink sa SPOT.ph.

“So dun daw po nag-start yung idea na Drink Water na name kasi siguro naging significant yung tubig at pag-inom niya ng tubig during labor."

Hindi lang si Drink ang may unique name sa pamilya. Pati ang dalawa niyang ate ay may kakaibang pangalan: sina Winner, 29, at Rice, 27.

Pero naisip kaya ni Drink na sana ay iba na lang ang ipinangalan sa kanya?

drink water rivera diploma

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DRINK NEVER WANTED TO CHANGE HIS NAME

Sa pakikipagpalitan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Drink nitong Martes, January 17, 2023, ibinahagi niya ang advantages at disadvantages ng kanyang unique name.

Inuna ni Drink na ilahad ang disadvantages ng pagkakaroon ng kakaibang pangalan.

“When it comes to academics, based on my experience, prone matawag agad sa recitation in the first week of the class, since wala pa masyadong kilala ang professors sa class."

Aminado siyang madalas matawag tuwing recitation, "every sem po ng college life," aniya.

Ano ang pakiramdam na madalas matawag ang pangalan pagdating sa recitation?

"Siyempre po di siya masaya and nakakakaba po, hahahaha!" hirit ni Drink.

“Also, having a unique name is prone to bullying dahil nga kakaiba siya at hindi pangkaraniwan sa pandinig ng ibang tao.

"Nagiging sentro siya ng katatawanan or yung tinatawag na laughing stock.”

drink water rivera water bottle

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may advantages ding dala ang kanyang unique name. Una na rito, madali siyang matandaan ng mga tao.

“To the point na binibigyan ka nito ng sariling identity na magagamit talaga kapag maghahanap ka na ng trabaho,” sabi ni Drink.

“Pag nag-a-apply ka parang binebenta mo yung sarili mo, kaya sa pangalan pa lang established na agad yung image mo.

“Another advantage is madaling kumuha ng NBI Clearance.”

Sa NBI kasi, kapag may "hit" ay nangangahulugang ikaw o ang kapangalan mo ay may criminal record na maaaring magpa-delay sa pagkuha ng clearance.

Gayunpaman, sinabi ni Drink na hindi sumagi sa isip niyang sana ay ibang pangalan ang ibinigay sa kanya.

Sabi niya, “I like my name so much, kasi growing up po, I realized that my name is different from the others, which makes it remarkable.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ani Drink Water Rivera, ilan sa disadvantages ng kanyang kakaibang pangalan ay prone to bullying at maging laughing stock. Pero advantage naman daw ito dahil madali siyang matandaan ng mga tao.
PHOTO/S: Tapatan ni Tunying / Drink Water Rivera
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results