Sibuyas, ipinambayad ng tricycle driver sa nabanggang kotse

by KC Cordero
Jan 18, 2023
The post at Reddit
Payag ka ba kung ang nakabangga sa iyong kotse ay sibuyas ang ipambabayad sa naging damage? Ayon sa nabangga, “When you are at peace with material things and money even when you don't really have that much and you know that you have more than enough or none at all sometimes, you can just laugh it out loud. And accept an abundance of spring onions.”

Dahil sa sobrang mahal ng presyo ng sibuyas sa Pilipinas, puwede na ito ngayong ibayad sa danyos perhuwisyo.

Ibinahagi sa Reddit ni Axle Gallardo, na may username na u/axle_gallardo, noong January 12, 2023, ang naging karanasan ng kanyang hipag.

Ang Reddit ay isang American social news aggregation, content rating, and discussion website.

Ayon kay Axle, aksidenteng nasagi ng isang nagmamaneho ng traysikel na punung-puno ng gulay ang kotse ng kanyang hipag.

Ang kanyang post, published as is: “Sister In Law's car got dented by a tricycle driver. Driver paid the car damage with Sibuyas."

May kalakip iyon na larawan ng babae na nasa driver’s seat ng kotse, naka-open ang bintana at nakangiti habang tinatanggap ang bungkos ng mga sibuyas mula sa tricycle driver.

The post at Reddit

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kilo ng sibuyas ngayon ay nasa mahigit PHP600 na. Umabot pa ito dati sa PHP1,000 per kilo.

Ang isyu sa napakamahal na sibuyas ay isa sa mga sakit ng ulo ng mamamayang Pilipino.

THE WHOLE SCENARIO

Nagbigay naman sa Reddit ng mas detalyadong pagbabahagi ang hipag ni Axle na may username na u/Glad-Competition3835.

Kuwento ng hipag, “The road was full. I saw him coming to the side of my car in my side mirror. And I don’t know why he was moving to the right towards me.”

“The left side is open and wide and he could have moved straight forward.”

Nakarinig umano siya na may lumagabog.

Nakita niyang nabangga siya ng tricycle driver.

Nang ma-check niya ang damage, kinausap niya ito.

Ayon sa hipag, nalaman niyang isang magsasaka ang tricycle driver.

Magde-deliver sana ito ng mga gulay sa kalapit na probinsiya.

Sa isang bahagi ng Laguna naganap ang insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa hipag, “I joked, pwede bang gulay na lang ibayad nyo?”

Sagot daw nito, “May sibuyas po.”

Kuwento pa niya, “I was ready to drive away when he came with two bunches of onions. Dahon ng sibuyas. Spring onions.”

Ibinabalik umano niya ang mga sibuyas, pero ayaw nang kunin nito.

“So I got one.”

Ayon pa sa hipag, hindi ito ang unang karanasan niya na kakaiba ang ibinayad sa kanya ng nakasagi sa kanyang sasakyan.

“They paid me with two fresh ocean-caught fish.”

Biro pa niya, “Sometimes life gives you flowers. Sometimes it gives you spring. Onions.”

NETIZENS REACT

Tuwang-tuwa naman ang netizens sa anekdota ng hipag ni Axle.

Onions na raw ang bagong currency.

Komento ng isa, “Di ko alam kung saan siya mas iiyak. Kung sa sibuyas ba o yung bayad ng deductible sa insurance.”

Netizens' comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pumuri rin sa hipag ni Axle: “Bait ng sister-in-law mo. Alam niya siguro na walang pera yung nakabangga sa kanya kaya pinabayaan niya na lang.”

Na sinang-ayunan ng isa pa: “Yeah, feel ko din kesa ma-hassle pa dahil wala din naman silang pambayad.

“Tinanggap na lang kung ano ang kayang maibigay nina manong, and made fun out of it na lang.”

May nagsabi rin na buti pa yung tricycle driver at nag-effort magbayad kahit sibuyas. Ang iba umanong nakakabangga ay puro paawa effect lang.

Netizens' comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman lahat ay pumabor sa naging aksiyon ng hipag.

Komento ng isa, “Am I the only one who doesn't see this is a heartwarming story?

“OK, technically it's heartwarming that a well-off person didn't care that much that their personal property got damaged, and was like ‘sure why not?’ at getting compensated with spring onions.

“But that doesn't change the fact that the trike driver did an illegal overtake and caused property damage.

“Parang in this scenario, kapag di mo tinanggap yung sibuyas as compensation, ikaw pa yung asshole when you did nothing wrong.

“Sorry, pero pet peeve ko ang traffic rules. This country wouldn't have as much traffic if people just fucking followed the rules.”

Gayunpaman, ayon sa naaksidente ay mas pinili niyang maging kind.

“He was very apologetic. They came from Laguna. In a trike.

“He must have been tired. I kennat imagine. Seeing it in the side mirror. How he was going to bump me up to the side mirror.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makahulugan pa niyang sambit, “In the absence of sibuyas, maluluha ka. Buti trike, hindi truck.

“When you are at peace with material things and money even when you don't really have that much and you know that you have more than enough or none at all sometimes, you can just laugh it out loud. And accept an abundance of spring onions.

“There are things you do not do anymore for yourself but for others. It is just a car. I am grateful. Cheers!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Payag ka ba kung ang nakabangga sa iyong kotse ay sibuyas ang ipambabayad sa naging damage? Ayon sa nabangga, “When you are at peace with material things and money even when you don't really have that much and you know that you have more than enough or none at all sometimes, you can just laugh it out loud. And accept an abundance of spring onions.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results